Monday, July 24, 2017

Posible Ba Na Magkaroon Ng Tuloy-Tuloy na Kita? Paano?




Isa sa pinakamagandang ugali ng mg Pilipino ay ang pagiging masipag. Hinahangaan tayo sa buong mundo dahil pagdating sa trabaho, talagang todo ang binibigay natin. Ang laki ng dedikasyon ng mga Pilipino sa trabahong pinagkaloob sa kanila, dahil ang laging nasa isipan ay ang ikabubuti ng kabuhayan ng pamilya. Kahit ano pang larangan at trabaho, kapag Pilipino ang gumagawa, tiyak na tapos at maayos ang pagkakagawa. Lalong-lalo na kapag nasa ibang bansa na nagtatrabaho, hinding hindi ka mapapahiya sa mga OFW. Yan ang Pinoy, talagang ipagmamalaki mo, Kaya saludo ako at Proud na Pilipino!

Pero minsan yung sobrang kasipagan sa pagtatrabaho ang nakakapigil naman sa pag-asenso ng karamihan sa mga Pilipino. Dahil simula't sa simula pa lamang ang naiisip lang nila ay ang mag trabaho ng maigi, sipagan sa trabaho, at alagaan ang trabaho. Hindi nila naiisip na paano pag dating ng oras na hindi na nila kaya mag trabaho? Paano na ang kanyang sarili at ang pamilya? Hindi ba may mga nangyayaring sitwasyon na mga hindi inaasahan? Kagaya na lamang ng pagkakaroon ng malubhang sakit, aksidente sa trabaho o kaya naman ang pag LAY OFF ng kumpanyang pinagtatrabahuan mo ng matagal na panahon. Paano kung dumating na ang panahong iyon? Naka handa ka ba? Hindi kasi sa lahat ng oras ay malakas ang ating katawan para mag trabaho, lalo na kung sagad na sagad ka sa pag tatrabaho, mas mabilis na mabugbog at humina ang iyong katawan. Kaya dapat habang bata ka pa, malakas pa ang katawan mo, gumagawa ka na rin ng mga paraan upang pag dating ng oras na kailangan mo na magpahinga sa pagbabanat ng buto ay handa na rin ang iyong bulsa at tuloy tuloy pa rin ang iyong kita para sa pamilya mo. Kung ang isang sasakyan ay may reserbang gulong para pag dating ng kinakailangan ito gamitin ay may mahuhugot, ang tao pa kaya? 

Panoorin mo itong isang napakagandang kwento na aking nakuha sa youtube, hindi ko ito ginawa at binibigyan ko ng CREDIT ang taong nag-isip at gumawa ng nakaka-inspire at puno ng aral na kwentong ito. Matuto ka sa kwento nila Pablo at Bruno, panoorin mo ang The Parable of The Pipe Line. 






CLICK THE PLAY BUTTON TO WATCH



Gamitin mo itong inspirasyon at iapply mo ang mga natutunan mo sa maikling kwento nato. Lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng oras malakas ka, kaya ngayon pa lang ay maghanap ka na ng mga paraan upang makagawa ka na rin ng sarili mong PIPE LINE. Yung mga bagay na makakapag bigay sayo ng tuloy-tuloy na kita sa hinarap. 

Kung interesado kang mag simula ng sarili mong PIPE LINE, pwede mong gamitin ang system na meron ako, ito yung system na kakapag bigay saakin ngayon ng passive income, yung kumikita ako kahit na hindi nag tatrabaho. Alam kong makaka tulong rin ito sayo. Isa itong klase ng PIPE LINE na pwede mong simulan. Tuturuan at iguide kita sa pag gamit ng PIPE LINE na meron ako. I-click mo lang ang link sa ibaba para matutunan mo ang system na ginagamit ko na nagbibigay sakin ng unlimitted 1,000, 2,000 hangang 11,000 sa isang araw. Pwede rin ito mapa sayo. 






Sana ay may napulot kang bagong kaalaman sa aking maikling article. Kung sa tingin mo ay makakatulong rin ito sa iba, i-click mo ang LIKE at i-share mo rin ito para mas marami pang tao ang ating matulungan at magkaroon ng inspirasyon kagaya mo.  Maraming salamat at hangang sa aking susunod na mga blog. Sana ay makamit mo na ang iyong tagumpay.







RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/
financial adviser/
coach

No comments:

Post a Comment