Friday, July 7, 2017

Bakit Wala Akong Naiipon?





Bakit wala akong naiipon? Naitanong mo na ba yan sa sarili mo? Kung isa kang ordinaryong mamayang Pilipino, naniniwala akong naitanong mo na yan. Madalas nagtataka tayo na kahit anong gawin natin ay palaging kulang ang ating pera, at wala tayong maipon, kung hindi man lahat, karamihan ay ganito ang nararanasan. Sino ba naman ang ayaw mag ipon? Naalala ko nung college days ko, noon napakagaling ko talaga mag ipon, kahit ang baon ko ay 100 pesos lang sa isang araw, pero pagdating ng katapusan eh marami akong naitatabi sa binibigay saking baon. Parang mas mapera pa nga ata ako ng college ako kesa ng nagtatrabaho na ako. Relate ka ba dito? 

Kaya nag try ako mag research kung bakit karamihan ay walang naiipon, at dito ko mas naintindihan na kaya pala walang naiipon ang isang tao dahil mahina ang kanyang pondasyon pag dating sa FINANCIAL LITERACY. Hindi ibig sabihin na wala ka nang pinag aralan, kaso ang isang malaking problema ay hindi itunuturo ang ganitong usapin sa eskwelahan. Kung hindi ka papasok sa mga kursong entrepreneurship or iba pang business related course ay kadalasan wala kang alam pag dating sa finance.

Ang madalas kasi ituro sa eskwelahan ay ang mag-aral ng mabuti, kumuha ng magagandang grado, magtapos at maghanap ng magandang TRABAHO. Kung saan ang isang baguhang empleyado kapag walang Financial education ay malamang mauwi sa sitwasyon ng mga nakararami na walang naiipon. Narinig mo na ba ang mga katagang.. "Work hard, Party Harder"? Yan! yan ang madalas gawin ngayon ng mga empleyado at mga kabataang nagsisimula na sa kanilang mga propesyon. Ito yung isang dahilan bakit ang karamihan ay nauubusan ng kanilang mga budget at nauuwi sa walang naiipong pera.

Alam mo ba ang mga brand na GUCCI, LUIS VITTON, PRADA, at marami pang iba? mga mamahaling gamit sila diba? YAN!! yan din ang isang nagiging dahilan kung bakit walang naiipon ang karamihan. Mas inuuna pa nila ang gumastos sa mamahaling bagay kesa ang ipunin o itabi ang kanilang pinag hirapang pera. Gimik, Sugal, Bisyo ay ilan pa sa mga dahilan ng kawalan ng ipon. 

Hindi ko naman sinasabing hindi ako bumibili ng mga ganyan, o lumalabas para mag enjoy, ang sinasabi ko lang ay mas dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga gawaing mkakapag palago ng ating perang pinaghirapan, kesa isang araw ay matanong mo nalang sa sarili mo.. ASAN NA ANG PERA KO? 

Kaya ang maipapayo ko, Matuto tayong mag ipon, magtabi tayo ng kahit 10% ng bawat sahod. At kapag Lumaki na ang ipon mo, wag mong hayaang nasa banko lamang ito.. Palaguin mo ito sa pamamagitan ng pag invest. Ang pera ay kailangan gumagalaw, pinapalaki ito. Mag BUSINESS KA, o kaya naman ilagay mo ito sa mga INVESTMENTS na kusang tumutubo ang iyong pera kagaya ng mga MUTUAL FUNDS o STOCKS.

Panahon na para mabago na ang mga makalumang idea pag dating sa pera, Kapag nagkaroon ka ng pera, palakihin mo ito par sa iyong kinabukasan.

Kung nais mong matuto at magsimula ng investment lalo na kung ikaw ay bago pa lamang sa larangan ng pag nenegosyo or entrepreneurship, Punta ka sa FREE TRAINING TAB para magkaroon ka ng idea tungkol sa Internet Marketing at Online Business,. 

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking blog at sana ay nakapag bigay ako ng kaunting kaalaman sayo at natuto ka. Like at ishare mo rin ito para mas marami pa ang matuto.

Ron Michael Cabria
Online Entrepreneur

No comments:

Post a Comment