Dati hindi ko tinatangap itong mga katagang ito, na kapag daw Gusto may paraan, pag Ayaw naman maraming dahilan. Kasi para saakin noon na hindi pa ako namumulat sa realidad ng buhay, eh kaya ako umaayaw kasi nga hindi pwede, ayaw ni kwan..magagalit parents ko, maulan, mainit, may ubo ako, yung mga ganong dahilan kaya hindi talaga ako nakakapunta o nakakagawa ng mga bagay. Narinig mo na rin ba yan na sinabi sayo? Halimbawa may pinapagawa sayo o merong isang pabor na hinihingi sayo ang kapatid mo o kaibigan? Tapos tumangi ka? Kasi sabi mo oo maganda sana at gusto ko rin yan kaso ganito eh..... Siguro lahat naman tayo nasabihan na nyan o kaya naman ikaw ang nagsabi sa isang tao diba? Pero ngayong nag mature na yung pagiisip ko, tama pala yung kasabihan na yon. Kasi napapansin ko kapag talagang ayaw ko, napakarami kong sinasabing dahilan. Kahit ang ganda ng inaalok ng opportunity sakin kapag ayaw ko talaga, nagdadahilan ako ng kung ano ano.
Pero napapansin ko naman kapag maygusto akong bagay, may gusto akong matapos o may gusto akong maabot, lahat ng paraan ginagawa ko talaga. Naalala ko ng bumagsak yung basketball ring sa bahay dahil sa bagyo, gustong gusto ko talagang ayusin yun kasi gusto kong magpapawis at mag laro. Ang challenge ko nuon ay kung paano ko yung maitatayo eh ang bigat non, kasi bakal yung poste nya at yung board ay nasira na. Wala akong ibang kasamang pwede ko makatulong para maitayo yon. Pero sobrang gusto ko talaga ayusin yung ring na yun, kaya ang ginawa ko, yung mga lumang
kahoy,tabla at plywood ginawa kong board, natapos ko yon sa dalawang araw. Kahit ganon katagal ko yun nagawa eh naramdaman ko yung fulfillment kasi para sakin may nagawa akong maganda at malapit na ako sa aking gusto na maitayo yung ring ulit. Sa ikatlong araw ang ginawa ko naman ay yung base ng poste, naputol yun kasi bakal, ang challenge ko naman wala akong pang welding, kaya ang gianawa ko kumuha ako ulit ng mga tabla at yun ang ginawa kong base. Naghanap na ako ng mga pabigat para pag naitayo na yun ang ilalagay ko. Kaso ang problema, mag isa lang ako sa bahay, wala akong mahanap n kapit bahay na malaki na pwedeng tumulong sakin. Ang ginawa ko, kinuha ko yung naputol na alambre ng kuryente, tinali ko sa may leeg ng poste ng ring, nilagyan ko na ng pabigay yung parteng base, at tinawag ko yung 3 maliliit na bata sa kapit bahay para apakan yung base, saka ko ngayon hinila mag isa yung poste at ring paatras hangang sa naitayo ko na nga ito! Ay grabe ang saya ko non kasi kahit mag isa ako, nagawa kong maiayos ulit yung ring at poste. At nung araw din na yun natapos na nga yung munting project na naisip ko.
Siguro yung iba iisipin, eh ano naman sa kwento ng basketball ring ko? Para saakin, isa yung patunay na kahit anong sitwasyon meron ka ngayon, kahit na anong challenge pa yan, kahit na merong kumokontra sayo, Kahit na inaaway ka na ng nanay, tatay, kaibigan, kapatid, girlfriend, boyfriend at ng kahit na sino pa man; kapag gusto mo ang isang bagay at alam mong may magandang maidudulot sayo? Gagawin mo ang lahat makuha lamang ito. Ok wag na yung maliit na bagay pag usapan natin, isipin mo ngayon ganito, yung kapatid o magulang mo ay naospital, kinakailangan ng 100,000 pesos para sa kanyang operasyon, kapag di naoperahan sa loob ng 3 araw, pwedeng mawala sila; ang problema wala kang trabaho, ang mga kapatid mo ay nagaaral pa, ano ngayon ang gagawin mo? Hahayaan mo na lang ba na mawala ang mahal mo sa buhay? Siguro hindi ka na matutulog nyan mahanap lang yung kinakailangan pera para sa operasyon diba? Kasi nga GUSTO mo na mabuhay pa ang kapatid o magulang mo na nasa ospital. Tama? Isang napakagandang halimbawa ng gagawin ang
lahat at pagsisikapan ay ang pag aabroad, Napakaraming Pilipino ang titiisin ang hirap at pagod ng pagging isang OFW, bakit? para sa mahal nila sa buhay, para sa pamilya, para sa mga anak at sa kanilang kinabukasan. May kakilala ka ba o kamag anak na OFW? Kung tatanungin mo sila, yun ang pangunahing dahilan nila. Natitiis ang hirap at lungkot kasi GUSTO nila ng magandang kinabukasan. Kung mapapansin mo sa picture sabi, "OFW kayod ng kayod, para pamilya maitaguyod".
Ang punto ko lang dito ay kapag talagang gusto mo ang isang bagay, lahat ng PARAAN hahanapin at gagawin mo,kasi nga yun ang GUSTO mo. Pero Kahit na anong pilit sayo kapag AYAW mo, lahat ng DAHILAN ay maiisip at gagawin mo rin. Kung may pangarap ka sa ngayon at sigurado kang yan ang gusto mo maabot? Kahit na anong balakid yan, wag kang padadala, wag kang papipigil, kahit na sino pa ang kumontra sa pangarap mo, kahit pa sabihin nila na imposible yang pinapangarap mo, kahit pa na magalit sila sayo, basta't alam mong yun ang gusto mo at pangarap mo at meron kang matinding dahilan bakit mo gusto yun makuha? Gawin mo ang lahat ng PARAAN para makamit mo yung pangarap na yon. Hinding hindi ko makakalimutan yung eksena sa pelikula ni Will Smith, at sobrang tumatak ito saakin. Panoorin mo at itatak mo rin sa iyong isipan. Walang hindi kaya maabot, kapag ginusto mo ito.
Sana ay may nakuha kang aral at inspirasyon sa maikling article kong ito. Iapply mo ito sa buhay mo at ibahagi mo rin sa iba. Pwede kang mag comment ng iyong pananaw at opinyon at malugod ko itong tatangapin. Kung sa tingin mo makakatulong rin ito sa iba, Pwede mo ito I-share sa iyong social media account gaya ng FACEBOOK. Maraming salamat sa iyong oras na basahin ang blog na ito, Sana ay makamit mo na rin ang tagumpay at pangarap na iyong minimithi.
Ang kaisa mo sa tagumpay,
RON MICHAEL CABRIA, RN
online entrepreneur/
financial adviser/
coach
No comments:
Post a Comment