Saturday, July 29, 2017

May Pera sa Pag Gamit ng Cell phone? Alamin kung Paano!





Cellphone, isa na siguro ito sa pinaka magandang bagay na naimbento sa mundo. Biruin mo kahit nasaan ka, pwede mong mabitbit at pwede mong makausap yung tao na nasa ibang lugar. Sobrang malaking tulong ito para sa mga tao, nagagamit sa pang araw araw na kabuhayan, sa trabaho, negosyo, eskwelahan, ospital, at halos sa lahat ng aspeto at establishemento na ginagamit ng tao. Sa ngayon parang hindi na kumpleto ang buhay ng tao kapag walang cellphone diba? Kapag nakakalimutan mo ito o naiwanan kung saan, parang kulang na kulang na ang araw mo. Para na kasi itong parte ng katawan at buhay ng tao, hindi kumpleto kung wala. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako at nabuhay ako sa mundong ito na merong ganitong mga teknolohiya, yung pinapadali ang buhay mo, mas nagiging kumportable na lahat para sayo kasi yung mga hindi nagagawa ng mga ninuno natin ay sa isang pindot mo lang may access ka na kaagad. Isipin mo na lang kung nabuhay ka nuong panahon ng mga kastila? Yung tipong emergency na kailangan mo ng pera dahil may kailangan na bayaran kaagad, halimbawa sa eskwelahan, isipin mo kailangan pa ng isa o dalawang araw para malaman ng magulang mo yung kailangan mo? Buti na lang ngayon ay isang dial lang, kausap mo na yung mga taong kailangan mo. Isang napakalaking imbensyon talaga ang cellphone, yung mga malalayo mong kamag-anak ay mas madali mo nang nakakausap, at sa mga mas bagong labas na modelo ng cellphone ngayon ay nakakausap mo at nakikita pa ang iyong tinatawagan.


Pero sa ngayon ang napapansin ko, opinyon ko lang ito ha, pwede kang sumangayon pwedeng hindi. Bumibili ang karamihan ng tao lalo na ang mga Pinoy ng magagarang cellphone kasi para sa kanila, ito na ang batayan ng estado sa buhay. Kung hindi ikaw ang taong ganito pwedeng yung kakilala mo, tama ba? Kasi bakit ka nga ba talaga bumili ng magagarang cellphone? Eh diba yung dati mong cellphone naman ay nakaka pag message at call? Nakaka pag picture ka naman at nakaka pag selfie diba? Pero bakit nga ba talaga kelangan pa mag upgrade ng cellphone? Kaya nakakatuwa at nakaka amaze din ang mga cellphone company, para lang tayo pinaglalaruan. Di mo ba napapansin? bawat taon na lang may lumalabas na bagong modelo ng cellphone? Madalas ang iddagdag lang ay mas malinaw na picture o kung ialang features lang na hindi mo rin naman ginagamit. Nakakarelate ka ba sa sinasabi ko? heheh.. Kung iisipin mong mabuti at ttignan ang financial side, yung iggastos mong pambili ng mamahaling modelo ng cellphone, kunwari 40K worth, sa tingin mo ba next year mabebenta mo pa itong 40K? Malang sa malamang hindi na, maswerte ka na mabenta mo itong 30K sa susunod na taon, ang problema next year eh may mga worth 30K na modelo nanaman na lalabas na mas maganda na sa worth 40K mong CP ng binili mo yan a year ago. Tama ba? Ibig sabihin yung resale value ng napakamahal mong cellphone ay mabilis bumagsak kasi nga taon taon may bagong modelo. Hindi mo siguro yan naiisip kasi ang rason naman ng iba, pinag ipunan ko naman yung pera at pinag trabahuan ko naman. Yun na nga eh, pinag ipunan at pinag trabahuan mo sya ng matagal, tapos sa isang iglap ibbili mo ng bagay na alam mong bumabagsak ang halaga? Para kang nagtapon ng perang pinaghirapan mo. Ang tawag sa mga bagay n yan ay mga LIABILITIES.


Dapat mong pahalagahan yung pera mo, ilagay mo ito sa tamang mga bagay at negosyo na makapag bibigay sayo ng mas maraming income. Naiintindihan ko yung ugaling ganyan kasi dati ako ganun rin, isip ko bumili lng ng mga magagandang gamit para may maipakita na maganda ang gamit ko, pero diko iniisip yung value ng binili ko, na bumabagsak ang halaga neto kung iibenta ko sa hinaharap. Ang pera mo na pinaghirapan ay wag mong hayaang magastos mo lang sa walang halagang bagay. Kung mapapansin mo, maraming mayayamang mga negosyante talaga ang hindi mahilig sa mga bagay na mamahalin, kasi naiintindihan nila ang value ng mga bagay. Ang dapat mong Bigyan ng oras at pera ay yung mga bagay na makapag bibigay rin sayo ng tuloy tuloy na income. Ngayon kung tatanungin ka, meron ka na bang ginagawang negosyo o bagay na nagbibigay sayo ng tuiloy tuloy na income? bukod sa trabaho mo bilang empleyado? Kung ang sagot mo ay wala at panay palabas ang pera mo, amg isip isip ka na ngayon palang kasi baka dumating ang time na sobrang pagod ka na sa katatrabaho, nasayo na nga lahat na magagandang cellphone at gadgets, pero wala ka namang pera talaga na naitatabi o napapalago. 

Meron akong biniling system, ang halaga nya ay presyo lang ng cellphone na mura, pero ngayon nkakapag bigay na sakin ng tuloy tuloy na income. Nakakatuwa kasi kung binili ko ito ng bagay na kung ano lang, hindi ako kikita, buti na lang ginamit ko yung pera ko upang magkaroon ng isang online system na automatic nagbibigay sakin ng kita sa internet. Ganito yung mga bagay na sinasabi kong dapat binibigyan ng oras at pera. kasi yung value nya a mag bibigay sayo ng tuloy na income. Binili ko lang ang system na ito sa halagang 2,990 pesos, pero alam mo bang binibigyan ako nito ng 1,000 - 2,000 pesos na income bawat commission? Eh yung binili mo bang kaparehong halaga ng system na binili ko binibigyan ka rin ng income? Kung hindi, bakit hindi mo subukang bilhin ang system na meron ako para ikaw rin ay kumita. Ang maganda pa sa system na ito, yung ginagamit mong cellphone ngayon basta nakaka konek sa internet, ay pwedeng pwede mo magamit at pagkakitaan ng pera sa pamamagitan ng system na ito!. Mapapalago mo pa ang perang pinag-hirapan mong ipunin.

Ang punto lang naman, kung pagkakagastusan mo ang isang bagay, kelangan wise ka, isipin mo munang mabuti kung mapapalago mo ba yung pera mo dyan o magsasayang ka lang ng pera mo? Hindi biro ang kumita ng pera, kaya pahalagahan mo itong mabuti. Sana ay may napulot kang aral sa article na ito at iapply mo rin sa buhay mo ngayon. Kung sa tingin mo makakatulong rin ito sa iba, share mo rin ito sa kanila. Kung gusto mo malaman at mapagaralan yung system na ginagamit ko ngayon kung paano ako kumikita sa internet, click mo lang yung link sa ibaba. Muli maraming salamat sa iyong oras at sana makuha mo na rin ang iyong mga pinapangarap.














RON MICHAEL CABRIA, RN
online entrepreneur/
financial adviser/
coach




No comments:

Post a Comment