Open Minded ka ba? naranasan mo na bang matanong ng ganyan? O narinig mo na ba yang mga katagang yan? Nakakatuwang isipin na sa bansa natin, kapag tinanong ka ng open minded ka ba? Alam na kaagad ng karamihan kung ano ang iyong pakay. Ginagawa na ngang katatawanan yung tanong nato, kasi gas-gas na gas-gas na ito sa mga taong nag Nenetworking. Pag tinanong ka nito alam mo na o may idea ka na na tungkol nanaman ito sa networking na inaalok ng kakilala mo o ng mga taong nagtatanong sayo. At ito rin ang madalas na dahilan bakit inaayawan ng maraming tao ang networking.
Bakit nga ba halos karamihan ay inaayawan ang networking at sinasabing "Alam ko na yan!".? Bilang isang dating offline network marketer, naiintindihan ko na ngayon kung bakit napakarami talaga ang inaayawan at nawawalan ng gana kapag ang usapan ay netwoking na. Sa mga nagbabasa nito, kung isa kang offline networker, mahalagang maintindihan mo ang mga dahilan kung bakit ayaw ng tao sa networking at kung paano mo ito magagamit sa iyong advantage. Kung isa ka naman sa mga taon ayaw ng networking, sigurado akong sasang-ayon ka sa aking opinyon dahil ramdam ko ang nararamdaman mo kapag inaalok ka nanaman ng networking. Inilista ko dito ang Top 3 na dahilan bakit ayaw ng tao sa networking. Halika umpisahan na natin..
No. 1: Ayaw ng tao sa Networking dahil ayaw nila umatend sa napapaka-habang business presentations. Ayaw na ayaw nila na nauubos ang kanilang oras sa bagay na wala naman silang kainte-interes. Mahalaga kasi ang oras, isipin mo aabutin ka ng 3-5 oras kakapakinig lamang ng mga testimonials at pera pera ang usapan, na hindi naman yun ang interest mo, matutuwa ka kaya? Sobrang dami ng tao at madalas mo pang maririnig ang sigaw na POWER! PAYAMAN KA DITO! Yan ang mga maririnig sa loob ng seminar room, naririndi ang karamihang tao sa mga ganyan. Kaya ayaw nila na pumupunta sa mga business opportunity meetings. Relate ka ba?
No. 2: Ayaw ng maraming tao sa networking dahil ayaw nilang pinipilit sila at kinukulit. Napakarami kasing mga networker ang sobrang kukulit, pinipilit nila yung mga tao na sumali kahit ayaw naman. Gumagaw sila ng kung ano-anong gimik para lang kumbinsihin ang tao na sumali. Minsan gagawa ng mga kwento na hindi naman totoo mapasali lang ang tao. Tinatad tad rin ng text messages at private messages sa facebook ang mga prospects ng ibang networkers, at lalong nakakainis nga naman kapag tinatag ka ng tinatag eh ayaw mo naman nga ng inoofer nya dba? Kaya marami ang umaayaw sa networking dahil ayaw nila ito maranasan.
No. 3: Ayaw ng tao sa networking dahil ayaw nila mag RECRUIT at mag INVITE ng iba pang tao para mapasali. Para sa karamihan kasi bakit kelangan mo pa mag recruit at mag invite ng tao at dadalhin sa opisina par aipakinig lang ang inaalok mo? Napakalaking abala para sa kanila un lalo na kung sobrang busy sila. At ayaw rin nilang gawin yung Pag iinvite na ssbihin mong tara kape tayo? or meet up naman kasi miss mo na yung tao, or ssbhin na may job oppoprtunity tapos yun pala ddalhin sa networking... yun ang ayaw gawin ng karamihang tao kaya ayaw nila sa networking. Na-experience mo rin ba ito?
Sa totoo lang napakarami pang dahilan kuing bakit inaayawan ng tao ang networking. Ito lang yung pinaka madalas na dahilan na na-experience ko sa offline traditional networking. Minsan isa pa ito sa nagging dahilan kung bakit nilalayuan na ng mga kaibigan at kamag-anak ang mga nag nenetworking kasi nga ayaw nila ng ganitong klaseng negosyo. Don't get me wrong sa mga nag nenetworking na nagbabasa neto, pero ito dapat ang maisaisip ng lahat at maintindihan na may mga tao talaga na hindi papasukin ang MLM. Kung gagawin mo itong guide, mas mapapalago mo ng maayos ang negosyo mo. Iwasan mo nang gawin ang ginagawa ng karamihang traditional na networker, baguhin mo na ang style kasi sunog na sunog na ang tao sa makalumang systema ng pagrerecruit na ginagawa ng networkers. Kelangan mo ng PROVEN SYSTEM..yung tao na ang lalapit sayo..
Buti na lang hindi ako tumigil sa paghanap ng tamang system na magagamit ko sa negosyo. Nagsimula akong maging online entrepreneur at internet marketer. Sa system na nahanap ko, yung mga prospects na ang lumalapit. Sila na mismo ang nagtatanong at nagsasabi na isali sila. Hindi ko na kinukulit ang mga kakilala system ko dahil proven na automatic ang system ko. At ang maganda nito, hhiundi lang ito para saakin. Kung nasa industry ka ng MLM or mga leverage business, wag mo itong palalampasin. Gumamit ka ng system na talagang magbibigay sayo ng result. Yung AUTOMATIC na lahat. Simula ng ginamit ko itong system, na to, hindi na ako nakikipag meet kung saan saang lugar gaya ng mga coffee shop para lang magpresent sa prospect na biglaan. Nawala narin yung mga gastos ko sa panglilibre ng invites, at sobrang ginhawa kasi hindi na ako pumupunta sa mga opisina para lang makipag POWER at sumigaw sigaw ng ilang oras at sa huli wala naman sasali.
Hindi ko sinabing pangit ang networking kasi galing ako dun, natuto ako ng ibang mga principles na hindi tinuturo sa eskwelahan, yun nga lang pag dating sa system na effective hindi ko sya nahanap dun. Nagpapasalamat talaga ako at natagpuan ko itong SYSTEM na ito. Ngayon, tuloy tuloy na result na ang aking natatangap at hindi na ako narereject. Thank you talaga Lord.
Hindi ko sinabing pangit ang networking kasi galing ako dun, natuto ako ng ibang mga principles na hindi tinuturo sa eskwelahan, yun nga lang pag dating sa system na effective hindi ko sya nahanap dun. Nagpapasalamat talaga ako at natagpuan ko itong SYSTEM na ito. Ngayon, tuloy tuloy na result na ang aking natatangap at hindi na ako narereject. Thank you talaga Lord.
Gusto ko rin ituro sayo ang systema na ito. Kung gusto mo na baguhin na ang lumang systema na hindi nagbibigay ng result, click mo lang ang link sa ibaba para matutunan mo ito.
Maraming salamat sa iyong pagbabasa hangang sa dulo, sana ay may natutunan ka sa maikling article na ito na pwede mong magamit sa iyong advantage. I hope na makuha mo na rin ang tagumpay na hinahanap mo.
RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/
financial adviser/
coach
No comments:
Post a Comment