Sa panahon ngayon, marami ang mga pagbabago na kinakaharap ng mga Pilipino at ng mga tao sa buong mundo. Mga pagbabagong kung minsan ay nakakatuwa pero madalas ay nakaka gulat at nakakatakot. Isa sa mga pagbabagong nararanasan ng mga tao ngayon ay ang pag kakaroon ng mga teknolohiya na tila ba kasabay na sa pag huhubog ng buhay natin. Nandyan na ang mga wireless na kagamitan kagaya ng mga cellphones, tablets at iba't-iba pang mga makabagong panahon na mga kagamitan. Nariyan rin ang INTERNET na katuwang natin sa pang araw araw na pamumuhay. Ginagamit natin ito upang maka hanap ng mga bagay, edukasyon at ibat iba pang naiisip nating alamin. Ang internet ay isang teknolohiya na maikkumpara natin sa kutsilyo; makakatulong sa pamumuhay kung tama ang pag gamit, at mkakasira naman kung sa mali gagamitin.
Sa pamamagitan ng INTERNET maraming tao ngayon sa buong mundo ang kumikita ng kanilang mga kabuhayan. Dumating na ang panahon ng tinatawag na ONLINE BUSINESS. kumpara sa mga nakasanayan na mga negosyo o tinatawag na TRADITIONAL BUSINESS, mas marami ang advantage ng makabagong ONLINE BUSINESS. Narito ang Dahilan bakit kelangan mo nang simulan magkaroon ng isang ONLINE BUSINESS.
1) MAS MAGAAN SA BUDGET:
Kung meron ka nang karanasan sa pagnenegosyong tradisyonal, mas maiintindihan mo ito; sa mga baguhan naman at naghahanap ng negosyo maslaking tulong ito sainyo. ang pagnenegosyo ay hindi biro, hirap at pagtatyaga ang puhunan maliban pa sa PERA o Budget na iyong kailangan para makapagsimula. Sa tradisyonal na negosyo, Unang una kelangan mo ng Opisina o lokasyon ng iyong tindahan. Kung wala kang sariling pwesto, mangungupahan ka na mababa na sa tingin ko ang 5,000 pesos depende sa laki ng lugar na kinakailangan mo, kailangan mo rin magbayad ng advance at may deposito pa. Bukod sa renta, magbabayad ka rin ng tubig at kuryente buwan buwan. Iba pa ang bayad sa telepono at iba pang kailangan sa napili mong negosyo.
Kung ang sisimulan mong negosyo ay isang ONLINE BUSINESS, mas magaan sa budget. Kinakailangan mo lamang ng Computer o mga gadgets gaya ng cellphone o di kaya eh tablet gaya ng Ipad. Kelangan mo rin ng internet connection na nagsisimula sa 900 pesos lamang sa isang buwan depende sa bilis na gusto mo. Hindi mo na kelangan pa magrenta ng isang pwesto dahil sa bahay mo mismo pwede mo ng gawing opisina. Nagagawa mo magbenta o di kaya magcheck ng iyong negosyo kahit saan, kahit nasa bahay ka o nasa ibang lugar. Ang iyong negosyo ay bukas 24 oras sa isang araw at 7 araw sa isang lingo. Kaya mas magaan sa budget ang ONLINE BUSINESS.
2) PWEDE MO GAWIN KAHIT NAGTATRABAHO KA PA:
Maraming tao ang nag nenegosyo bukod sa pagtatrabaho bilang empleyado. Ginagawa nila ito upang may maidagdag sa kanilang mga pangangailangan at kumita ng extra. Isa itong magandang paraan upang mapunan ang kapos na sinasahod ng ordinaryong tao. Sa panahon ngayon kailangan meron kang SIDELINE. Madalas kung ang iyong SIDELINE ay nasa linya ng tradisyonal na negosyo, ito ay napapabayaan, kung hindi man kinakailangan mong kumuha ng empleyado mo para may nagaasikaso ng negosyo kung ikaw ay nasa trabaho. Sa mga nagsisimula pa lamang, ito ay isa nanamang dagdag sa budget na kinakailangan mo para tumakbo ang iyong negosyo. Sa ONLINE BUSINESS, hindi mo na kailangan kumuha ng taong babayaran mo para asikasuhin ang negosyo mo, dahil ikaw mismo kaya mo na itong gawin kahit na ikaw ay nagtatrabaho. Ang online business ay mabubuksan mo at ma-momonitor dahil ang kelangan mo lang ay internet at gadget mo na makakakonek dito. Napaka gaan gawin ang ONLINE BUSINESS dahil kahit nagtatrabaho ka magagawa mo parin ito.
3) MAS MARAMI ANG MAKAKAKITA SA NEGOSYO MO:
Ako ay isa ring may tradisyonal na negosyo. Meron kaming internet shop na kung saan 7 computer unit ang pinaparentahan namin. Sa bahay lang namin ito binuksan at ang mga customer namin ay mga kapit bahay lang namin. Di nagtagal ay isinara na namin ito dahil nalulugi na kami kasi ang mga pumupunta lang ay mga taga roon lang sa maliit na village namin. Dagdag pa ang pagkakaroon ng broadband internet ng mga kabahayan na lalong nagpahina sa negosyo namin dati. Pero kung yung negosyo ko ay nilagay ko sa mall na mas maraming tao ang pumupunta sa tingin nyo ba mas marami ang magiging customer ko? Sigurado mas marami dahil araw araw maraming tao ang labas pasok sa mall. Ibig kong sabihin, mas magiging mabenta ang iyong negosyo kung mas maraming tao ang nakaka alam o nakakakita nito. Sa tradisyonal na negosyo, limitado ang tao na pwede makaalam ng pwesto mo. Pero sa ONLINE BUSINESS, Buong mundo ang iyong Customer! Dahil nasa internet ang iyong negosyo, libo libong tao ang makakakita at makaka alam sa ginagawa mong negosyo; hindi lang sa Pilipinas, pati narin sa buong mundo! Isa itong napaka laking advantage ng ONLINE BUSINESS. Mas maraming makakakita, mas marami ang KITA!
Sa totoo lang napakarami pang dahilan bakit kelangan mo magsimula ng online business. Pero ang 3 dahilan na ito ang pinaka madaling maintindihan at pangunahing kelangan mo para maintindihan ang advantage ng online business. Sa online business magkakaroon ka ng kita at oras para sayo at para sa pamilya mo na di mo kailangan ubusin ang 24 oras mo para lamang sa negosyo mo. Sana nakatulong ito sainyo upang pag isipan ng magsimula ng sarili mong ONLINE BUSINESS.
CLICK PLAY BUTTON TO WATCH
Kung gusto mo pang matuto tungkol sa pagkakaroon ng online business o kung ikaw ay isang tradisyonal na negosyante na pero gusto mong gawing online ang negosyo mo, pwede ka naming tulungan. Ituturo namin step by step kung paano ang iyong mga gagawin. Libre mo itong malalaman. Iclick mo lang ang button sa ibaba.
Maraming salamat sa inyong pagbasa at sana ay nakatulong ako sainyo. Mabuhay kayong lahat.
Online Entrepreneur
No comments:
Post a Comment