Maraming tao ang nangangarap na umangat ang buhay. Sino ba naman ang ayaw ng mgandang kinabukasan para sa kanilang pamilya diba? Kaya nga marami ang talagang kumakayod para maitaguyod lamang ang pamilya, kahit pa ang kapalit nito ay ang sobrang pagod at puyat na minsan pa ay nkakalimutan na alagaan ang mga sarili dahil ang iniisip na lang ay ang kinabukasan ng pamilya. Sobrang humahanga ako sa mga taong sobrang sipag, yung tila ba wala nang bukas ang pag tatrabaho para sa pamilya. Pero bakit ganon ang mundo? minsan kung sino pa ang sobrang sipag, yung tipong buhay na nila ang trabaho nila ay yun pa ang mga nasa ibaba? Napapansin nyo rin ba yuon? Marami kang mababalitaan o maririnig na kwento na ang sisiopag naman pero parang hindi umaangat ang estado ng buhay? Minsan talaga ganon ang buhay... Pero paano ba mababago?
Paano nga ba mababago ang sitwasyon ng nkararami? May kasabihan daw na ang tanging pagkakaiba ng mayayaman o nakaka-angat at mga mahihirap o nasa mababang estado ng pamumuhay ay ang kanilang PAG-IISIP. Pero sa totoo lang, tama itong kasabihan na ito, Nasa pag iisip lng o MIND SET ng isang tao ang sagot sa ano mang sitwasyon. Bakit nga ba mas lalo humihirap ang mga mahihirap at mas lalong yumayaman ang mga mayayaman? MIND SET lang ang sagot. Dun sila nagkakaiba...
Gaya na lamang kapag nakakakita ng oportunidad; Ang mga mayayaman madalas ang nakikita ay yung pwedeng magandang mangyari kapag kinuha nya yung oportunidad, kumpara sa pagiisip ng mga mahihirap na laging yung ikababagsak at negatibo muna ang iisipin, hangang sa mawala na ang oportunidad. Alam naman nating lahat na isa ang pag nenegosyo para mabago at mapaganda ang ating buhay diba? Halos lahat ng mayayaman o mga magaganda ang buhay, merong mga negosyo. Alam kasi nila na sa pamamagitan ng pagnenegosyo aangat pa lalo ang kanilang buhay. Kung tatanungin mo ang mga tao kung gusto nila mag negosyo, ang laging sagot ay OO. Pero bakit kakaunti lang ang mga mayayaman?
Kakaunti lng ang umaangat sa buhay dahil sa negosyo kasi ang karamihan kapag pinag usapan na ang
PUHUNAN, nawawalan na ng gana tignan o pakingan ang negosyo na inaalok sakanila. Madalas kung sino pa ang nangangailangan ng opportunity, sila pa yung napakaraming duda at napaka negatibo mag isip. Kung hindi man, takot na takot sila maglabas ng pera para ipang puhunan kasi ang naiispi lang nila ay paano kung malugi? Paano kung hindi kumita? Pero kung ang MINDSET mo ay pang mayaman? Ang laging nasaisip mo dapat ay paano kung KUMITA ako ng malaki? Paano kung mas LUMAGO pa yung perang pinuhunan ko? At paano kung mas MARAMI akong MATULUNGAN sa negosyong gagawin ko? Ganyan ang MINDSET ng mga mayayaman.
Naiintindihan ko naman bakit may takot at duda ang mga karaniwang tao, pero hangat hindi mo yan tinatangal sa systema mo, mananatili ka pa rin sa kinalalagyan mo. Kung gusto mo talaga mag negosyo at ibig mong mabago ang buhay mo? Wag kang mang hinayang mamuhunan. Dahil walang matinong negosyo na walang puhunan. Ang pag asenso ay HINDI LIBRE, pinag sisikapan ito at may PUIHUNAN. Kelangan na simulan ang pag babago, at kelangan unahin ang PAG-IISIP ang baguhin at lahat susunod na lamang. Panoorin mo itong napakagandang video clip na ito para matulungan kang mabago ang iyong MINDSET.
Sana ay may napulot kang magandang lesson sa article kong ito. Kung sa tingin mo marami pang tao ang pwede matulungan nito, I-Like at I-Share mo rin ito para mas marami pa ang maka basa. Maraming salamat sa iyong oras at sana makamit mo na rin ang tagumpay na iyong pinaka hihintay.
Kung nais mong matuto at mag simula ng negosyo online, i-click lamang ang button sa ibaba.
RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/financial adviser
No comments:
Post a Comment