Saturday, July 29, 2017

May Pera sa Pag Gamit ng Cell phone? Alamin kung Paano!





Cellphone, isa na siguro ito sa pinaka magandang bagay na naimbento sa mundo. Biruin mo kahit nasaan ka, pwede mong mabitbit at pwede mong makausap yung tao na nasa ibang lugar. Sobrang malaking tulong ito para sa mga tao, nagagamit sa pang araw araw na kabuhayan, sa trabaho, negosyo, eskwelahan, ospital, at halos sa lahat ng aspeto at establishemento na ginagamit ng tao. Sa ngayon parang hindi na kumpleto ang buhay ng tao kapag walang cellphone diba? Kapag nakakalimutan mo ito o naiwanan kung saan, parang kulang na kulang na ang araw mo. Para na kasi itong parte ng katawan at buhay ng tao, hindi kumpleto kung wala. Sa totoo lang, nagpapasalamat ako at nabuhay ako sa mundong ito na merong ganitong mga teknolohiya, yung pinapadali ang buhay mo, mas nagiging kumportable na lahat para sayo kasi yung mga hindi nagagawa ng mga ninuno natin ay sa isang pindot mo lang may access ka na kaagad. Isipin mo na lang kung nabuhay ka nuong panahon ng mga kastila? Yung tipong emergency na kailangan mo ng pera dahil may kailangan na bayaran kaagad, halimbawa sa eskwelahan, isipin mo kailangan pa ng isa o dalawang araw para malaman ng magulang mo yung kailangan mo? Buti na lang ngayon ay isang dial lang, kausap mo na yung mga taong kailangan mo. Isang napakalaking imbensyon talaga ang cellphone, yung mga malalayo mong kamag-anak ay mas madali mo nang nakakausap, at sa mga mas bagong labas na modelo ng cellphone ngayon ay nakakausap mo at nakikita pa ang iyong tinatawagan.


Pero sa ngayon ang napapansin ko, opinyon ko lang ito ha, pwede kang sumangayon pwedeng hindi. Bumibili ang karamihan ng tao lalo na ang mga Pinoy ng magagarang cellphone kasi para sa kanila, ito na ang batayan ng estado sa buhay. Kung hindi ikaw ang taong ganito pwedeng yung kakilala mo, tama ba? Kasi bakit ka nga ba talaga bumili ng magagarang cellphone? Eh diba yung dati mong cellphone naman ay nakaka pag message at call? Nakaka pag picture ka naman at nakaka pag selfie diba? Pero bakit nga ba talaga kelangan pa mag upgrade ng cellphone? Kaya nakakatuwa at nakaka amaze din ang mga cellphone company, para lang tayo pinaglalaruan. Di mo ba napapansin? bawat taon na lang may lumalabas na bagong modelo ng cellphone? Madalas ang iddagdag lang ay mas malinaw na picture o kung ialang features lang na hindi mo rin naman ginagamit. Nakakarelate ka ba sa sinasabi ko? heheh.. Kung iisipin mong mabuti at ttignan ang financial side, yung iggastos mong pambili ng mamahaling modelo ng cellphone, kunwari 40K worth, sa tingin mo ba next year mabebenta mo pa itong 40K? Malang sa malamang hindi na, maswerte ka na mabenta mo itong 30K sa susunod na taon, ang problema next year eh may mga worth 30K na modelo nanaman na lalabas na mas maganda na sa worth 40K mong CP ng binili mo yan a year ago. Tama ba? Ibig sabihin yung resale value ng napakamahal mong cellphone ay mabilis bumagsak kasi nga taon taon may bagong modelo. Hindi mo siguro yan naiisip kasi ang rason naman ng iba, pinag ipunan ko naman yung pera at pinag trabahuan ko naman. Yun na nga eh, pinag ipunan at pinag trabahuan mo sya ng matagal, tapos sa isang iglap ibbili mo ng bagay na alam mong bumabagsak ang halaga? Para kang nagtapon ng perang pinaghirapan mo. Ang tawag sa mga bagay n yan ay mga LIABILITIES.


Dapat mong pahalagahan yung pera mo, ilagay mo ito sa tamang mga bagay at negosyo na makapag bibigay sayo ng mas maraming income. Naiintindihan ko yung ugaling ganyan kasi dati ako ganun rin, isip ko bumili lng ng mga magagandang gamit para may maipakita na maganda ang gamit ko, pero diko iniisip yung value ng binili ko, na bumabagsak ang halaga neto kung iibenta ko sa hinaharap. Ang pera mo na pinaghirapan ay wag mong hayaang magastos mo lang sa walang halagang bagay. Kung mapapansin mo, maraming mayayamang mga negosyante talaga ang hindi mahilig sa mga bagay na mamahalin, kasi naiintindihan nila ang value ng mga bagay. Ang dapat mong Bigyan ng oras at pera ay yung mga bagay na makapag bibigay rin sayo ng tuloy tuloy na income. Ngayon kung tatanungin ka, meron ka na bang ginagawang negosyo o bagay na nagbibigay sayo ng tuiloy tuloy na income? bukod sa trabaho mo bilang empleyado? Kung ang sagot mo ay wala at panay palabas ang pera mo, amg isip isip ka na ngayon palang kasi baka dumating ang time na sobrang pagod ka na sa katatrabaho, nasayo na nga lahat na magagandang cellphone at gadgets, pero wala ka namang pera talaga na naitatabi o napapalago. 

Meron akong biniling system, ang halaga nya ay presyo lang ng cellphone na mura, pero ngayon nkakapag bigay na sakin ng tuloy tuloy na income. Nakakatuwa kasi kung binili ko ito ng bagay na kung ano lang, hindi ako kikita, buti na lang ginamit ko yung pera ko upang magkaroon ng isang online system na automatic nagbibigay sakin ng kita sa internet. Ganito yung mga bagay na sinasabi kong dapat binibigyan ng oras at pera. kasi yung value nya a mag bibigay sayo ng tuloy na income. Binili ko lang ang system na ito sa halagang 2,990 pesos, pero alam mo bang binibigyan ako nito ng 1,000 - 2,000 pesos na income bawat commission? Eh yung binili mo bang kaparehong halaga ng system na binili ko binibigyan ka rin ng income? Kung hindi, bakit hindi mo subukang bilhin ang system na meron ako para ikaw rin ay kumita. Ang maganda pa sa system na ito, yung ginagamit mong cellphone ngayon basta nakaka konek sa internet, ay pwedeng pwede mo magamit at pagkakitaan ng pera sa pamamagitan ng system na ito!. Mapapalago mo pa ang perang pinag-hirapan mong ipunin.

Ang punto lang naman, kung pagkakagastusan mo ang isang bagay, kelangan wise ka, isipin mo munang mabuti kung mapapalago mo ba yung pera mo dyan o magsasayang ka lang ng pera mo? Hindi biro ang kumita ng pera, kaya pahalagahan mo itong mabuti. Sana ay may napulot kang aral sa article na ito at iapply mo rin sa buhay mo ngayon. Kung sa tingin mo makakatulong rin ito sa iba, share mo rin ito sa kanila. Kung gusto mo malaman at mapagaralan yung system na ginagamit ko ngayon kung paano ako kumikita sa internet, click mo lang yung link sa ibaba. Muli maraming salamat sa iyong oras at sana makuha mo na rin ang iyong mga pinapangarap.














RON MICHAEL CABRIA, RN
online entrepreneur/
financial adviser/
coach




Thursday, July 27, 2017

Pag Gusto Maraming Paraan, Pag Ayaw Maraming Dahilan. Tama ba??



Dati hindi ko tinatangap itong mga katagang ito, na kapag daw Gusto may paraan, pag Ayaw naman maraming dahilan. Kasi para saakin noon na hindi pa ako namumulat sa realidad ng buhay, eh kaya ako umaayaw kasi nga hindi pwede, ayaw ni kwan..magagalit parents ko, maulan, mainit, may ubo ako, yung mga ganong dahilan kaya hindi talaga ako nakakapunta o nakakagawa ng mga bagay. Narinig mo na rin ba yan na sinabi sayo? Halimbawa may pinapagawa sayo o merong isang pabor na hinihingi sayo ang kapatid mo o kaibigan? Tapos tumangi ka? Kasi sabi mo oo maganda sana at gusto ko rin yan kaso ganito eh.....  Siguro lahat naman tayo nasabihan na nyan o kaya naman ikaw ang nagsabi sa isang tao diba? Pero ngayong nag mature na yung pagiisip ko, tama pala yung kasabihan na yon. Kasi napapansin ko kapag talagang ayaw ko, napakarami kong sinasabing dahilan. Kahit ang ganda ng inaalok ng opportunity sakin kapag ayaw ko talaga, nagdadahilan ako ng kung ano ano. 


Pero napapansin ko naman kapag maygusto akong bagay, may gusto akong matapos o may gusto akong maabot, lahat ng paraan ginagawa ko talaga. Naalala ko ng bumagsak yung basketball ring sa bahay dahil sa bagyo, gustong gusto ko talagang ayusin yun kasi gusto kong magpapawis at mag laro. Ang challenge ko nuon ay kung paano ko yung maitatayo eh ang bigat non, kasi bakal yung poste nya at yung board ay nasira na. Wala akong ibang kasamang pwede ko makatulong para maitayo yon. Pero sobrang gusto ko talaga ayusin yung ring na yun, kaya ang ginawa ko, yung mga lumang

kahoy,tabla at plywood ginawa kong board, natapos ko yon sa dalawang araw. Kahit ganon katagal ko yun nagawa eh naramdaman ko yung fulfillment kasi para sakin may nagawa akong maganda at malapit na ako sa aking gusto na maitayo yung ring ulit. Sa ikatlong araw ang ginawa ko naman ay yung base ng poste, naputol yun kasi bakal, ang challenge ko naman wala akong pang welding, kaya ang gianawa ko kumuha ako ulit ng mga tabla at yun ang ginawa kong base. Naghanap na ako ng mga pabigat para pag naitayo na yun ang ilalagay ko. Kaso ang problema, mag isa lang ako sa bahay, wala akong mahanap n kapit bahay na malaki na pwedeng tumulong sakin. Ang ginawa ko, kinuha ko yung naputol na alambre ng kuryente, tinali ko sa may leeg ng poste ng ring, nilagyan ko na ng pabigay yung parteng base, at tinawag ko yung 3 maliliit na bata sa kapit bahay para apakan yung base, saka ko ngayon hinila mag isa yung poste at ring paatras hangang sa naitayo ko na nga ito! Ay grabe ang saya ko non kasi kahit mag isa ako, nagawa kong maiayos ulit yung ring at poste. At nung araw din na yun natapos na nga yung munting project na naisip ko.


Siguro yung iba iisipin, eh ano naman sa kwento ng basketball ring ko? Para saakin, isa yung patunay na kahit anong sitwasyon meron ka ngayon, kahit na anong challenge pa yan, kahit na merong kumokontra sayo, Kahit na inaaway ka na ng nanay, tatay, kaibigan, kapatid, girlfriend, boyfriend at ng kahit na sino pa man; kapag gusto mo ang isang bagay at alam mong may magandang maidudulot sayo? Gagawin mo ang lahat makuha lamang ito. Ok wag na yung maliit na bagay pag usapan natin, isipin mo ngayon ganito, yung kapatid o magulang mo ay naospital, kinakailangan ng 100,000 pesos para sa kanyang operasyon, kapag di naoperahan sa loob ng 3 araw, pwedeng mawala sila; ang problema wala kang trabaho, ang mga kapatid mo ay nagaaral pa, ano ngayon ang gagawin mo? Hahayaan mo na lang ba na mawala ang mahal mo sa buhay? Siguro hindi ka na matutulog nyan mahanap lang yung kinakailangan pera para sa operasyon diba? Kasi nga GUSTO mo na mabuhay pa ang kapatid o magulang mo na nasa ospital. Tama? Isang napakagandang halimbawa ng gagawin ang

lahat at pagsisikapan ay ang pag aabroad, Napakaraming Pilipino ang titiisin ang hirap at pagod ng pagging isang OFW, bakit? para sa mahal nila sa buhay, para sa pamilya, para sa mga anak at sa kanilang kinabukasan. May kakilala ka ba o kamag anak na OFW? Kung tatanungin mo sila, yun ang pangunahing dahilan nila. Natitiis ang hirap at lungkot kasi GUSTO nila ng magandang kinabukasan. Kung mapapansin mo sa picture sabi, "OFW kayod ng kayod, para pamilya maitaguyod". 





Ang punto ko lang dito ay kapag talagang gusto mo ang isang bagay, lahat ng PARAAN hahanapin at gagawin mo,kasi nga yun ang GUSTO mo. Pero Kahit na anong pilit sayo kapag AYAW mo, lahat ng DAHILAN ay maiisip at gagawin mo rin. Kung may pangarap ka sa ngayon at sigurado kang yan ang gusto mo maabot? Kahit na anong balakid yan, wag kang padadala, wag kang papipigil, kahit na sino pa ang kumontra sa pangarap mo, kahit pa sabihin nila na imposible yang pinapangarap mo, kahit pa na magalit sila sayo, basta't alam mong yun ang gusto mo at pangarap mo at meron kang matinding dahilan bakit mo gusto yun makuha? Gawin mo ang lahat ng PARAAN para makamit mo yung pangarap na yon. Hinding hindi ko makakalimutan yung eksena sa pelikula ni Will Smith, at sobrang tumatak ito saakin. Panoorin mo at itatak mo rin sa iyong isipan. Walang hindi kaya maabot, kapag ginusto mo ito.




Sana ay may nakuha kang aral at inspirasyon sa maikling article kong ito. Iapply mo ito sa buhay mo at ibahagi mo rin sa iba. Pwede kang mag comment ng iyong pananaw at opinyon at malugod ko itong tatangapin. Kung sa tingin mo makakatulong rin ito sa iba, Pwede mo ito I-share sa iyong social media account gaya ng FACEBOOK. Maraming salamat sa iyong oras na basahin ang blog na ito, Sana ay makamit mo na rin ang tagumpay at pangarap na iyong minimithi. 


Ang kaisa mo sa tagumpay,













RON MICHAEL CABRIA, RN
online entrepreneur/
financial adviser/
coach


Wednesday, July 26, 2017

Panaginip Pag Alas-3 ng Umaga. Nagkaka-totoo!!





Isa sa mga hindi maipaliwanag na nararanasan ng tao ay ang pag gising ng alas-tres ng madaling araw dahil sa panaginip. Halos lahat siguro ng tao ay nararanasan ito. Ang nakakapag taka kasi ay natataon na halos eksakto or lampas lng ng konti sa alas 3 ka magigising pagkatapos mong managinip. Hindi mo rin masasabing nagkataon lang ito, dahil sobrang dalas naman ng pagkakataon kung ganon at halos lahat ng tao sa buong mundo ay nararanasan ito. Mrami kang mababasa na mga articles tungkol sa pangyayari na ganito pero halos lahat ay mga haka haka lamang, wala talagang kongkretong pagaaral pa ang nagagawa sa pagkaka alam ko, na ginawa para maintindihan ang ganitong bagay. Pero kung meron man, siguro ay hindi ko pa nahahanap. 

Naranasan mo na rin ba yung magising ng 3am? ano yung iyong naramdaman? Minsan pinagpapawisan ka rin diba? O kaya naman kinakapos yung hininga mo? Ako kasi madalas rin na magising ng ganitong oras at madalas dahil sa mga panaginip. May mga nakaka-kaba nga naman talagang panaginip na magigising ka at akala mo ay totoo na, minsan pa nga mananaginip ka na mahuhulog ka sa isang gusali at magigising ka yung pala ay mahuhulog ka na sa kama! Minsan naman nakakatuwa rin kasi mananaginip ka ng may kinakain yun pala paa na ng katabi mo o ang unan mo hehehe... 

Pero hindi katatakutan ang gusto ko ikwento sayo, imbes, tungkol ito sa isang panaginip ko na nakaka mangha, at nakaka inspire! Panaginip ko na ako raw ay kumita ng PERA! Abay sino ba naman ang hindi matutuwa sa panaginip mo na kumita ka nanaman daw nag pera? Yung tipong wala ka naman ginagawa tapos kumita ka? Abay sana nga totoo yung mga ganung panaginip diba? Siguro ang sarap ng pakiramdam kapag ganun sa totoong buhay. Kung mananaginip ka siguro ng ganun eh sana wag ka na magising muna para kahit sa panaginip eh maeenjoy mo yung buhay mo na kumikita ka kahit na tulog at wala naman talagang ganong ginawa para kitain mo yung nasa panaginip mo. Tuwang tuwa na ako sa panaginip kong iyon at kung ano ano nang lugar ang napuntahan ko sa panaginip ko. Bumibili na raw ako ng mga bagay na gusto ko, yung kotseng paborito ko raw ay nabili ko na! Yung FORD EVEREST na PULA! Titanium model all new! ang linaw ng panaginip ko, para talaga syang totoo!! Enjoy na enjoy pa nga ako mag drive sa panaginip ko. Hay ang sarap kapag ganun ang napapanaginipan mo diba? yung nakangiti ka pa habang natutulog! Hahahah! Na experience mo na yung tumatawa ka pa nga? tapos kinabukasan sasabihan ka ng katabi mo na bakit ka tumatawa? Nakakatuwa yung ganon diba? Kaso ang realidad, gigising ka talaga at gigising..kahit anong ganda ng panaginip mo, kelangan mo parin gumising sa katotohanan at harapin ang mga ito ng gising. Kaya ayon, nagising nga ako, nakakalungkot man na panaginip lang pala yung lahat ng yun pero inisip ko na lang na siguro ay senyales yun na malapit na yung mga pinapangarap ko. Positibo na lang para hindi ka ma frustrate diba? hahaha!

Kaya ayon ng pag gising ko, dahil nakasanayan ko na mag check ng mga online activities ko gaya ng facebook at ng emails, binuksan ko ang mga ito; at laking tuwa ko dahil nananaginip pa lang naman ako na kumikita ng pera at nag drive ng ssakyan ko na pinapangarap ko talaga.. eh yun pala nangyayari na sa totoong buhay yung pag kita ko! grabe at alam mo kung anong oras? 3:28 AM!!!! 


Yun ang mga oras na tulog na tulog pa ako, at marahil halos lahat ng tao sa Pilipinas! Nakakagulat talaga kasi nangyari yung sa panaginip ko! At hindi lang isang beses, dalawang sunod na 3:28AM kumita pala ako ng 1,000 pesos! Abay ang sarap naman managinip ng ganon kung parati mangyayari! Kaya nakaka excite, kasi kung nangyari yung pag income ko...ay ano kaya yung paborito kong ssakyan? mangyayari kaya?! WOW bigla talaga ako naexcite!! Posible pala talagang mangyari ang panaginip! Literal!  Kung mapapansin mo sa larawan na yan, dalawang sunod na araw na 3:28 kumita ako, totoong totoo talaga! salamat at natagpuan ko itong system sa internet! Biruin mo tulog ka pero kumikita ka? Ano pa ang hihilingin mo nyan? Kaya salamat talaga sa Diyos at pinakita nya saakin itong Proven Automated System na ito. At ang tanging nasa isip ko lamang nagyon ay ang maipalaganap rin ito at makatulong pa sa maraming tao ang napakagandang system na ito.

Kung lahat tayo ay makakaranas ng ganitong pagkakataon, siguro lahat masaya. Pero hindi ito para sa lahat kasi, para lamang ito sa mga taong talagang gusto kumita pa ng extra para sa pamilya nila. Yung willing matuto ng bagong idea, yung willing mag-paturo at mag patulong sa mga taong may alam na ng systema. Gustong gusto namin ituro ito sa mga taong hindi muna iisipin na matalino sila o marami na silang alam, dahil alam nila sa sarili nila na kailangan nila muna magpaturo kasi bago itong systema para sa kanila. Kung isa ka sa mga taong willing talaga magpaturo nitong systema na meron kami? Sige tuturuan ka namin. Click mo lang ang link sa ibaba para matutunan mo ang basic LOGIC ng system, at pagkatapos mag send ka ng private message saakin at sabihin mong gusto mong magpaturo at magpatulong. Sobrang willing ako na turuan ka para maexperience mo ang nararanasan namin. 

Sana ay may napulot kang aral o inspirasyon sa maikling article kong ito. Kung sa tingin mo makakatulong rin ito sa iba, wag mong kalimutan na ishare ito sa mga social media na meron ka. Magtulungan tayo para mas marami pa tayong taong matulungan.

Maraming salamat sa iyong oras at sana makuha mo na rin yung mga pangarap mo sa buhay.
















RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/
financial adviser/
coach

Monday, July 24, 2017

Posible Ba Na Magkaroon Ng Tuloy-Tuloy na Kita? Paano?




Isa sa pinakamagandang ugali ng mg Pilipino ay ang pagiging masipag. Hinahangaan tayo sa buong mundo dahil pagdating sa trabaho, talagang todo ang binibigay natin. Ang laki ng dedikasyon ng mga Pilipino sa trabahong pinagkaloob sa kanila, dahil ang laging nasa isipan ay ang ikabubuti ng kabuhayan ng pamilya. Kahit ano pang larangan at trabaho, kapag Pilipino ang gumagawa, tiyak na tapos at maayos ang pagkakagawa. Lalong-lalo na kapag nasa ibang bansa na nagtatrabaho, hinding hindi ka mapapahiya sa mga OFW. Yan ang Pinoy, talagang ipagmamalaki mo, Kaya saludo ako at Proud na Pilipino!

Pero minsan yung sobrang kasipagan sa pagtatrabaho ang nakakapigil naman sa pag-asenso ng karamihan sa mga Pilipino. Dahil simula't sa simula pa lamang ang naiisip lang nila ay ang mag trabaho ng maigi, sipagan sa trabaho, at alagaan ang trabaho. Hindi nila naiisip na paano pag dating ng oras na hindi na nila kaya mag trabaho? Paano na ang kanyang sarili at ang pamilya? Hindi ba may mga nangyayaring sitwasyon na mga hindi inaasahan? Kagaya na lamang ng pagkakaroon ng malubhang sakit, aksidente sa trabaho o kaya naman ang pag LAY OFF ng kumpanyang pinagtatrabahuan mo ng matagal na panahon. Paano kung dumating na ang panahong iyon? Naka handa ka ba? Hindi kasi sa lahat ng oras ay malakas ang ating katawan para mag trabaho, lalo na kung sagad na sagad ka sa pag tatrabaho, mas mabilis na mabugbog at humina ang iyong katawan. Kaya dapat habang bata ka pa, malakas pa ang katawan mo, gumagawa ka na rin ng mga paraan upang pag dating ng oras na kailangan mo na magpahinga sa pagbabanat ng buto ay handa na rin ang iyong bulsa at tuloy tuloy pa rin ang iyong kita para sa pamilya mo. Kung ang isang sasakyan ay may reserbang gulong para pag dating ng kinakailangan ito gamitin ay may mahuhugot, ang tao pa kaya? 

Panoorin mo itong isang napakagandang kwento na aking nakuha sa youtube, hindi ko ito ginawa at binibigyan ko ng CREDIT ang taong nag-isip at gumawa ng nakaka-inspire at puno ng aral na kwentong ito. Matuto ka sa kwento nila Pablo at Bruno, panoorin mo ang The Parable of The Pipe Line. 






CLICK THE PLAY BUTTON TO WATCH



Gamitin mo itong inspirasyon at iapply mo ang mga natutunan mo sa maikling kwento nato. Lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng oras malakas ka, kaya ngayon pa lang ay maghanap ka na ng mga paraan upang makagawa ka na rin ng sarili mong PIPE LINE. Yung mga bagay na makakapag bigay sayo ng tuloy-tuloy na kita sa hinarap. 

Kung interesado kang mag simula ng sarili mong PIPE LINE, pwede mong gamitin ang system na meron ako, ito yung system na kakapag bigay saakin ngayon ng passive income, yung kumikita ako kahit na hindi nag tatrabaho. Alam kong makaka tulong rin ito sayo. Isa itong klase ng PIPE LINE na pwede mong simulan. Tuturuan at iguide kita sa pag gamit ng PIPE LINE na meron ako. I-click mo lang ang link sa ibaba para matutunan mo ang system na ginagamit ko na nagbibigay sakin ng unlimitted 1,000, 2,000 hangang 11,000 sa isang araw. Pwede rin ito mapa sayo. 






Sana ay may napulot kang bagong kaalaman sa aking maikling article. Kung sa tingin mo ay makakatulong rin ito sa iba, i-click mo ang LIKE at i-share mo rin ito para mas marami pang tao ang ating matulungan at magkaroon ng inspirasyon kagaya mo.  Maraming salamat at hangang sa aking susunod na mga blog. Sana ay makamit mo na ang iyong tagumpay.







RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/
financial adviser/
coach

Saturday, July 22, 2017

Open Minded Ka Ba? Alam Ko na Yan! HaHaHa




Open Minded ka ba? naranasan mo na bang matanong ng  ganyan? O narinig mo na ba yang mga katagang yan? Nakakatuwang isipin na sa bansa natin, kapag tinanong ka ng open minded ka ba? Alam na kaagad ng karamihan  kung ano ang iyong pakay. Ginagawa na ngang katatawanan yung tanong nato, kasi gas-gas na gas-gas na ito sa mga taong nag Nenetworking. Pag tinanong ka nito alam mo na o may idea ka na na tungkol nanaman ito sa networking na inaalok ng kakilala mo o ng mga taong nagtatanong sayo. At ito rin ang madalas na dahilan bakit inaayawan ng maraming tao ang networking.

Bakit nga ba halos karamihan ay inaayawan ang networking at sinasabing "Alam ko na yan!".? Bilang isang dating offline network marketer, naiintindihan ko na ngayon kung bakit napakarami talaga ang inaayawan at nawawalan ng gana kapag ang usapan ay netwoking na. Sa mga nagbabasa nito, kung isa kang offline networker, mahalagang maintindihan mo ang mga dahilan kung bakit ayaw ng tao sa networking at kung paano mo ito magagamit sa iyong advantage. Kung isa ka naman sa mga taon ayaw ng networking, sigurado akong sasang-ayon ka sa aking opinyon dahil ramdam ko ang nararamdaman mo kapag inaalok ka nanaman ng networking. Inilista ko dito ang Top 3 na dahilan bakit ayaw ng tao sa networking. Halika umpisahan na natin..


No. 1:   Ayaw ng tao sa Networking dahil ayaw nila umatend sa napapaka-habang business presentations. Ayaw na ayaw nila na nauubos ang kanilang oras sa bagay na wala naman silang kainte-interes. Mahalaga kasi ang oras, isipin mo aabutin ka ng 3-5 oras kakapakinig lamang ng mga testimonials at pera pera ang usapan, na hindi naman yun ang interest mo, matutuwa ka kaya? Sobrang dami ng tao at madalas mo pang maririnig ang sigaw na POWER! PAYAMAN KA DITO! Yan ang mga maririnig sa loob ng seminar room, naririndi ang karamihang tao sa mga ganyan. Kaya ayaw nila na pumupunta sa mga business opportunity meetings. Relate ka ba?



No. 2:   Ayaw ng maraming tao sa networking dahil ayaw nilang pinipilit sila at kinukulit. Napakarami kasing mga networker ang sobrang kukulit, pinipilit nila yung mga tao na sumali kahit ayaw naman. Gumagaw sila ng kung ano-anong gimik para lang kumbinsihin ang tao na sumali. Minsan gagawa ng mga kwento na hindi naman totoo mapasali lang ang tao. Tinatad tad rin ng text messages at private messages sa facebook ang mga prospects ng ibang networkers, at lalong nakakainis nga naman kapag tinatag ka ng tinatag eh ayaw mo naman nga ng inoofer nya dba?  Kaya marami ang umaayaw sa networking dahil ayaw nila ito maranasan.



No. 3:   Ayaw ng tao sa networking dahil ayaw nila mag RECRUIT at mag INVITE ng iba pang tao para mapasali. Para sa karamihan kasi bakit kelangan mo pa mag recruit at mag invite ng tao at dadalhin sa opisina par aipakinig lang ang inaalok mo? Napakalaking abala para sa kanila un lalo na kung sobrang busy sila. At ayaw rin nilang gawin yung Pag iinvite na ssbihin mong tara kape tayo? or meet up naman kasi miss mo na yung tao, or ssbhin na may job oppoprtunity tapos yun pala ddalhin sa networking... yun ang ayaw gawin ng karamihang tao kaya ayaw nila sa networking. Na-experience mo rin ba ito?

Sa totoo lang napakarami pang dahilan kuing bakit inaayawan ng tao ang networking. Ito lang yung pinaka madalas na dahilan na na-experience ko sa offline traditional networking. Minsan isa pa ito sa nagging dahilan kung bakit nilalayuan na ng mga kaibigan at kamag-anak ang mga nag nenetworking kasi nga ayaw nila ng ganitong klaseng negosyo. Don't get me wrong sa mga nag nenetworking na nagbabasa neto, pero ito dapat ang maisaisip ng lahat at maintindihan na may mga tao talaga na hindi papasukin ang MLM. Kung gagawin mo itong guide, mas mapapalago mo ng maayos ang negosyo mo. Iwasan mo nang gawin ang ginagawa ng karamihang traditional na networker, baguhin mo na ang style kasi sunog na sunog na ang tao sa makalumang systema ng pagrerecruit na ginagawa ng networkers. Kelangan mo ng PROVEN SYSTEM..yung tao na ang lalapit sayo..


Buti na lang hindi ako tumigil sa paghanap ng tamang system na magagamit ko sa negosyo. Nagsimula akong maging online entrepreneur at internet marketer. Sa system na nahanap ko, yung mga prospects na ang lumalapit. Sila na mismo ang nagtatanong at nagsasabi na isali sila. Hindi ko na kinukulit ang mga kakilala system ko dahil proven na automatic ang system ko. At ang maganda nito, hhiundi lang ito para saakin. Kung nasa industry ka ng MLM or mga leverage business, wag mo itong palalampasin. Gumamit ka ng system na talagang magbibigay sayo ng result. Yung AUTOMATIC na lahat. Simula ng ginamit ko itong system, na to, hindi na ako nakikipag meet kung saan saang lugar gaya ng mga coffee shop para lang magpresent sa prospect na biglaan. Nawala narin yung mga gastos ko sa panglilibre ng invites, at sobrang ginhawa kasi hindi na ako pumupunta sa mga opisina para lang makipag POWER at sumigaw sigaw ng ilang oras at sa huli wala naman sasali.

Hindi ko sinabing pangit ang networking kasi galing ako dun, natuto ako ng ibang mga principles na hindi tinuturo sa eskwelahan, yun nga lang pag dating sa system na effective hindi ko sya nahanap dun. Nagpapasalamat talaga ako at natagpuan ko itong SYSTEM na ito. Ngayon, tuloy tuloy na result na ang aking natatangap at hindi na ako narereject. Thank you talaga Lord.

Gusto ko rin ituro sayo ang systema na ito. Kung gusto mo na baguhin na ang lumang systema na hindi nagbibigay ng result, click mo lang ang link sa ibaba para matutunan mo ito.

Maraming salamat sa iyong pagbabasa hangang sa dulo, sana ay may natutunan ka sa maikling article na ito na pwede mong magamit sa iyong advantage. I hope na makuha mo na rin ang tagumpay na hinahanap mo.



















RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/
financial adviser/
coach

Thursday, July 20, 2017

Kahit Hindi Techie Kumikita sa Internet! Paano??






Isa ka bang tao na sobrang busy? Babad sa trabaho? Walang oras para maging updated lalo na sa mga gadgets at technologies na bago? Hindi ka nag iisa! Ito ang maikling kwento ng dalawang tao na sa totoo lang hindi ko personal na kakilala. Ang isa ay isang OFW na sobrang busy sa kanyang tabaho, at ang isa naman ay isang fulltime working Mom na meron ding maliit na rtw business online. Pareho silang sobrang busy at dedicated sa kanilang mga karera; at pareho silang wala masyadong alam sa technology at mga gadgets. Ang tanging parehong alam nila ay ang kumita para sa ikabubuhay ng pamilya nila. Kilalanin natin sila at ang kanilang First time journey sa larangan ng Internet marketing at Online business; Mga NEWBIE kung tawagin, ROOKIE sa karamihan at paanong nagawa nilang magka result kaagad? 


Sa isa sa mga post ko sa social media isang araw merong nag message, hindi ko sya kilala, ang sabi nya gusto nya matuto kung paanong kumita sa pamamagitan ng internet. Isa syang OFW from Hong Kong, si Analou. So ako naman tinanong ko sya kung willing sya matuto at mag paturo at sabi nya naman OO daw, kaya yung teacher mode ko ay nabuksan nnaman. Mas masarap kasi magturo sa taong gusto talaga magpaturo at willing matuto. Kaya Inintroduce ko sakanya yung system na ginagamit ko sa aking internet marketing business. Buong akala ko ay marami na rin syang alam pag dating sa technology, hangang sa dumating na kami sa lesson na kailangan yung techie side ng tao. Medyo hindi pala sya ganon ka runong pag dating sa mga tech at gadget, pero dahil sobrang willing sya matuto, sinikap nya at inaral ang aking mga tinuro. Paunti-unit nakukuha nya, day by day may improvement sya at ang nagustuhan ko sakanya, hindi sya tumitigil hangat hindi nya nakukuha yung tinuro sakanya. Yun yung mga tipong studyante na napakasarap turuan, kasi sinusunod nila ang mga tinuturo mo at talagang pursigido na matuto. Hangang sa Naging ready na sya kahit papaano, hindi pa man magaling pero may alam na sya na pwede na nyang maiapply. Sinunod nya ang payo ko at ng ibga pang coaches at soon enough nagka result sya in no time! Nakakataba ng puso kapag yung dating tinuturuan mo na halos walang alam sa tech ay unti unti nang natututo at naiaapply yung lessons at nagkakaroon na ng growth at results! Kaya Keep up the good work ANALOU!


Share ko rin ang kwento ng isang Hard working and full-time mother na si Cecil, Hindi ko rin sya kilala personally pero nasa friends list ko sya sa facebook. Nakikita ko kasi na nag popost sya ng mga RTW sa kanyang wall so I decided na tignan yung mga products nya. Actually magaganda ang mga binibenta nya at nakikita ko sa mga comments ng clients nya na good standing sya pag dating sa payment and delivery ng mga orders sakanya. So one time natanong ko sakanya kung matagal na ang online business nya, since sabi nya medyo akala ko magaling din sya sa pag dating sa internet marketing. Umabot din sa usapan namin ang tungkol sa pag market online and nagkaroon sya ng interest tungkol sa system na ginagamit ko. Kaya naintroduce ko rin sakanya ang ginagamit kong proven system. Hindi nagtagal ay nagustuhan nya ito at nagdecide syang gumamit at matuto tungkol dito. Gaya ni Ana, sobrang willing rin sya na magkaroon ng kaalaman sa ganitong system, naramdaman ko sakanya yung eagerness nya na alamin talaga at aralin ito. Sa tulong ng built in lessons and training at ng personal coach na inassign sakanya, tinuruan namin si cecil all about the system, at kung paano ito gamitin. Then comes yung time na ready na sya mag take ng action, nakakatuwa pa yung sinabi nya saakin, "Nangangamote ako hindi ko talga alam ilalagay ko". Natutuwa ako kasi ganyan na ganyan rin pakiramdam ko ng una kong subukan ang internet marketing. Pero dahil sa kagustuhan nyang matuto at subukan itong system, sa unang lingo pa lamang ng kanyang pag take action at application ng mga learnings nya, nagkaroon na kaagad sya ng RESULT! Nakakataba talaga ng puso at kahit papaano nakakaproud kasi yung alam mong naguumpisa pa lang sila, yung nagpapturo sayo ng mga simpleng gagawin, ngayon inaapply na nila at unti unti nagkaka result. Bilang isang teacher at instructor natutuwa talaga ako lalo pa't nakakatulong rin ang teachings at ang system na ginagamit ko at ng iba pang internet marketers na magkaroon rin ng earnings ang iba pang kababayan natin sa pamamagitan ng internet.



Ito yung isang post nya ng kanyang result, pagka gising nya kasama ang anak nya may nakita syang notification sa email nya at ang sabi kumita nnaman sya. Nakakatuwang tignan at mas lalo pa akong naiinspire na makatulong pa sa iba. Iba pala talaga kapag nakikita mong nag iimprove yung ibang tao at naging part ka nila sa kanilang growth. Hindi pa man kalakihan ang result na meron sila ngayon, pero ang nakaka inspire kasi sobrang bago lang sila, sinunod lang nila yung mga lessons na tinuro sakanila, at nagtiwala lang din sila sa system at sa mga taong sa totoo lang ay hindi naman nila talaga kakilala. Minsan sabi nga nila ang stranger ay may dalang magandang balita. Sana mas marami pa kaming maturuan at matulungan, at yun ang isa sa mga priority namin ngayon, ang makatulong.

Sana ay nakapag bigay inspirasyon sayo ang kwento ng dalawang magkaibang tao sa magkaibang lugar na parehong hindi techie, pero natuto nalang din. Kung ito ay nkapag bigay ng kaalaman sayo at natuto ka rin, i-click mo ang LIKE at I-Share mo rin ito sa iyong mga kakilala para sila rin ay ma-inspire sa kwento nila ANALOU at CECIL sa kanilang ROOKIE journey sa internet marketing.

Kung isa ka ring hindi techie, kulang sa time, pero willing matuto at kumita pa ng extra para sa pamilya, subukan mong maging estudyante namin sa system na ito. Para ito sa lahat ng gusto talagang matuto ng bago lalo na pagdating sa internet marketing. Dito ituturo namin sayo ang mga step by step methodology at instructions para mas madali at mas convenient mo itong masundan at magamit. I-click lamang ang link sa ibaba para matuto ka ng LIBRE tungkol sa basic principles ng internet marketing. Mag comment o mag send ka ng personal message saakin kung gusto mo rin talaga magpaturo tungkol sa system na ito.



Maraming salamat sa iyong oras at sana makamit mo rin ang iyong mga goals at dreams sa iyong buhay.







RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/
financial advisor/
coach


Wednesday, July 19, 2017

Gusto Mag Negosyo Pero Ayaw Maglabas ng Puhunan?



Maraming tao ang nangangarap na umangat ang buhay. Sino ba naman ang ayaw ng mgandang kinabukasan para sa kanilang pamilya diba? Kaya nga marami ang talagang kumakayod para maitaguyod lamang ang pamilya, kahit pa ang kapalit nito ay ang sobrang pagod at puyat na minsan pa ay nkakalimutan na alagaan ang mga sarili dahil ang iniisip na lang ay ang kinabukasan ng pamilya. Sobrang humahanga ako sa mga taong sobrang sipag, yung tila ba wala nang bukas ang pag tatrabaho para sa pamilya. Pero bakit ganon ang mundo? minsan kung sino pa ang sobrang sipag, yung tipong buhay na nila ang trabaho nila ay yun pa ang mga nasa ibaba? Napapansin nyo rin ba yuon? Marami kang mababalitaan o maririnig na kwento na ang sisiopag naman pero parang hindi umaangat ang estado ng buhay? Minsan talaga ganon ang buhay... Pero paano ba mababago?


Paano nga ba mababago ang sitwasyon ng nkararami? May kasabihan daw na ang tanging pagkakaiba ng mayayaman o nakaka-angat at mga mahihirap o nasa mababang estado ng pamumuhay ay ang kanilang PAG-IISIP. Pero sa totoo lang, tama itong kasabihan na ito, Nasa pag iisip lng o MIND SET ng isang tao ang sagot sa ano mang sitwasyon. Bakit nga ba mas lalo humihirap ang mga mahihirap at mas lalong yumayaman ang mga mayayaman? MIND SET lang ang sagot. Dun sila nagkakaiba...


Gaya na lamang kapag nakakakita ng oportunidad; Ang mga mayayaman madalas ang nakikita ay yung pwedeng magandang mangyari kapag kinuha nya yung oportunidad, kumpara sa pagiisip ng mga mahihirap na laging yung ikababagsak at negatibo muna ang iisipin, hangang sa mawala na ang oportunidad. Alam naman nating lahat na isa ang pag nenegosyo para mabago at mapaganda ang ating buhay diba? Halos lahat ng mayayaman o mga magaganda ang buhay, merong mga negosyo. Alam kasi nila na sa pamamagitan ng pagnenegosyo aangat pa lalo ang kanilang buhay. Kung tatanungin mo ang mga tao kung gusto nila mag negosyo, ang laging sagot ay OO. Pero bakit kakaunti lang ang mga mayayaman?

Kakaunti lng ang umaangat sa buhay dahil sa negosyo kasi ang karamihan kapag pinag usapan na ang

PUHUNAN, nawawalan na ng gana tignan o pakingan ang negosyo na inaalok sakanila. Madalas kung sino pa ang nangangailangan ng opportunity, sila pa yung napakaraming duda at napaka negatibo mag isip. Kung hindi man, takot na takot sila maglabas ng pera para ipang puhunan kasi ang naiispi lang nila ay paano kung malugi? Paano kung hindi kumita? Pero kung ang MINDSET mo ay pang mayaman? Ang laging nasaisip mo dapat ay paano kung KUMITA ako ng malaki? Paano kung mas LUMAGO pa yung perang pinuhunan ko? At paano kung mas MARAMI akong MATULUNGAN sa negosyong gagawin ko? Ganyan ang MINDSET ng mga mayayaman. 


Naiintindihan ko naman bakit may takot at duda ang mga karaniwang tao, pero hangat hindi mo yan tinatangal sa systema mo, mananatili ka pa rin sa kinalalagyan mo. Kung gusto mo talaga mag negosyo at ibig mong mabago ang buhay mo? Wag kang mang hinayang mamuhunan. Dahil walang matinong negosyo na walang puhunan. Ang pag asenso ay HINDI LIBRE, pinag sisikapan ito at may PUIHUNAN. Kelangan na simulan ang pag babago, at kelangan unahin ang PAG-IISIP ang baguhin at lahat susunod na lamang. Panoorin mo itong napakagandang video clip na ito para matulungan kang mabago ang iyong MINDSET. 


Sana ay may napulot kang magandang lesson sa article kong ito. Kung sa tingin mo marami pang tao ang pwede matulungan nito, I-Like at I-Share mo rin ito para mas marami pa ang maka basa. Maraming salamat sa iyong oras at sana makamit mo na rin ang tagumpay na iyong pinaka hihintay.

Kung nais mong matuto at mag simula ng negosyo online, i-click lamang ang button sa ibaba.





RON MICHAEL CABRIA
online entrepreneur/financial adviser

Monday, July 17, 2017

Bakit May Bumabagsak Na Negosyo?




Ang pag nenegosyo ang isang paraan para umunlad ka sa buhay. Sa totoo lang, halos lahat ng mga mayayaman sa mundo kung papansinin mo ay may kanya kanyang mga negosyo. Sobrang bihira ang yumaman dahil sa trabaho. Kung meron mang yumaman sa trabaho lang, siguradong buong buhay nya at oras ay binigay na nya dito. Yung tipong wala ng oras sa kanyang pamilya dahil puro trabaho na lang ang inatupag. Kung susumahin natin, yayaman at aasenso ka talaga sa pag nenegosyo. Halos lahat naman tayo alam yan, pero hindi lang talaga lahat may lakas ng loob para mag umpisa ng negosyo. Napakaraming tao ang may takot mamuhunan, dahil ang kanilang kinatatakutan ay baka malugi ang kanilang negosyo. At totoo nga..napakarami talaga ang nalulugi sa negosyo at nagsasara; pero dapat kapag nangyayari ito ang laging itanong sa sarili ay BAKIT nagsara at nalugi ang negosyo? Ating alamin kung bakit at anong mga pangunahing dahilan bakit nagsasara ang mga negosyo na dati naman ay makikita mong umuusbong..


MGA DAHILAN NG PAGBAGSAK NG NEGOSYO:


1) MALING PAG-GAMIT NG PONDO NG NEGOSYO: 

Marami kang mababalitaan na negosyong nababangkarote dahil sa napabayaan at mali yung kanilang pag gamit ng mga pondo na para lamang sa negosyo. Minsan kasi yung pera na dapat ay ipapaikot lamang sa negosyo para lumaki pa ay nagagamit sa pang personal na gastusin. Kinakailangan na isaisip na hindi mo dapat galawin ang pera ng negosyo mo. Dahil ito ang buhay at dugo ng iyong negopsyo, kapag nag simula ka nang magamit ang pondo ng negosyo mo, asahan mo na babagsak ito sa lalong madaling panahon ng hindi mo namamalayan. Kailangan na marunong ka mag Account at mag budget, imonitor mo ang mga papasok at palabas na pera sa negosyo mo. Wag mong hayaan na sa isang iglap ay mawala ang pinaghirapan mong ipundar dahiol lamang sa maling pag gamit ng pondo ng negosyo.

2) NAPAG LIPASAN NA NG PANAHON:


Isa pa sa mga madalas na dahilan ng pagsara ng isang negosyo ay ang paglipas ng panahon. Paano ba pinaglilipasan ng panahon ang isang negosyo? Kapag ang negosyo mo ay hindi nakasabay sa bilis ng pagbagoi ng panahon at teknolohiya, asahan mo na isang araw ay isasara mo na ito. Napakahigpit na ng kompitesyon sa negosyo sa panahon ngayon. Bawat nmegosyo na gustong tumagal ay kinakailangan ng mga tinatwag na UPGRADES. Kailangan na magkaroon ka ng mga makabagong systema na gagamitin mo sa iyong negosyo. Naaalala ko nuon kapag pictures ang pinag uusapan, ang lagi kong naririnig ay ang KODAK.


 Noon kasi isa ang KODAK sa pinaka sikat pag dating sa mga kamera at letrato at mga negatibo na ginagamit sa pagkuha ng mga larawan. Bawat bahay kodak ang alam, pero ng nagsimulang magbago ang teknolohiya at nagkaroon na ng mga digital camera, unti-unit nang humina ang negosyo nila at ngayon nga ay tuluyan nang nag nalugi at bumagsak kung hindi man nag sara. Kaya siguraduhin mong ang iyong negosyo ay makakasabay sa makabagong panahon. Panahon ng Teknolohiya at ng Internet.

3) HINDI PINAG-ARALAN NG MGA TAGA-PAGMANA

Isa ito sa pinaka nangungunang dahilan sa pagbagsak ng mga negosyo, lalong lalo na yung mga negosyo na ipinagpamana na ng mga magulang sa kanilang mga anak. Madalas na nangyayari ay hindi pinag aralan ng mabuti ng mga anak ang negosyo ng kanilang mga magulang. O hindi naman ang kanilang interes ay wala dito dahil may ibang bagay silang gustong gawin sa buhay. Kaya kung ang negosyo mo ngayon ay balak mong ipamana pa sa iyong mga anak, siguraduhin mo na matuturuan mo sila ng maigi at matutunan nilang mahalin ang negosyong itinayo mo para sa kanila. Habang sila ay bata pa ay turuan mo na sila sa pag nenegosyo at ibahagi ang iyong kaalaman para mas mabiugyan nila ng halaga ang iyong pinaghihirapan. Mag dagdag ka rin ng mga makabagong systema na sumasabay sa panahon nila dahil sa oras na sila naman na ang hahawak ng negosyo ay pamilyar na sila dito dahil nakasabay sa kanilang panahon ang negosyong pinamana mo.

4) MALI ANG PRODUKTO, LOKASYON AT LUGAR:


Sa pag nenegosyo, napaka importante na iyong pag aralan ang PRODUKTO, LUGAR at LOKASYON na paglalagyan ng iyo0ng tindahan o opisina. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng negosyong iyong itatayo. Tandaan natin na ang produkto ay ang magdadala ng tagumpay sa business mo. Mahalagang ito ay naaayon sa panahon, kapakipakinabang at hinahanap ng tao. Kapag ang produkto mo ay kasama sa mga produktong laos na o kaya naman ay kulang na ang gamit sa kabuhayan ng mga tao, tiyak na ito ay babagsak. Nay mga nag nenegosyo kasi na kung ano na lamang ang maisipang produkto, kahit na itoi ay hindi naman kapakipakinabang, kaya tuloy nagsasara bigla ang kanilang kumpanya. Kasabay ng produkto ay kailangan pinag aralan din ng maigi ang Lugar at lokasyon ng paglalagyan ng iyong negosyo. Importanteng marami ang makakakita ng iyong negtosyo at produkto. Mas maraming tao sa isang lugar, mas maganda kasi sila ang iyong magiging mga mamimili. Isang magfandang lokasyon ay ang mga malalapit sa eskwelahan, simbahan, parke or mga malalapit sa mall; kasi dito siguradong napakaraming tao araw araw at tiyak n magkakaroon ka ng kliyente bawat araw. Iwasan mo magtayo sa lugar na walang tao; isipin mo na lang kung meron kang restawran na nasa gitnma ng kagubatan? tingin mo tatagal ang negosyo mo? Kaya laging isipin at pag aralan ang PRODUKTO, LUGAR at LOKASYON ng iyong pinaplanong negosyo.

5) WALANG MAGANDA AT MAKABAGONG SYSTEMA:

INTERNET. yan ngayon ang pinaka mabilis na paraan upang lumago ang negosyo mo. Kahit nasa tradisyonal ka mang negosyo, pwedeng pwede mong ilagay sa internet para mas maraming tao ang makakakita at makaka access sa negosyo mo. Kung mapapansin mo, halos lahat ng tao ngayon ay marunong na at umaasa na sa internet. Mula sa pag book ng flight sa eroplano, mga pag reserve ng hotels at resorts pati ang pag bili ng mga damit, gamit at mga pagkain! Lahat ginagawa na sa internet. Sabi ng ni Bill Gates, " if your business is not on the internet, then your business will be out of business" 

Kaya wag mo na hayaan pang mawala ang negosyo mo, kailangan mo mag UPGRADE ng system mo. Ilagay mo sa internet ang negosyo mo dahil ito na ang makabagong paraan ng pag-nenegosyo. Wag mo hayaang mawala ang pinag hirapan mo dahil hindi ka sumabay sa takbo ng panahon. Ilagay mo sa INTERNET ang negosyo mo.

Ang online business ay ang pinaka mainit at napapanahong negosyo ngayon. May mga SYSTEM na makakapg bigay sayo ng mas malaking kita na hindi ka pagod kagaya ng mga tradisyonal na pamamaraan ng pag nenegosyo. Kaya ako nag hanap ng isang SYSTEM na talagang inaral ko at nagbigay sakin ng magandang resulta sa pag nenegosyo ONLINE. Pwede mo ito mapanood at mapag aralan din, Para maiapply mo sa iyong negosyo. Masasabi kong ang online business system na ito ang kinabukasan ng ating mga negosyo. Simuylan mo itong gamitin at ikaw mismo makakapag sabi ng kagandahan ng system na ito.



Sana ay may napulot kayong magandang impormasyon dito sa aking blog. Maraming salamat sa oras na binigay mo para basahin ito. Asahan nyong marami pa akong isusulat na mkakapag bigay aral o impormasyon sa mga negosyante at mga nagbabalak mag negosyo. Muli, maraming salamat! 



RON MICHAEL CABRIA
   online entrepreneur

Sunday, July 16, 2017

20 Common Struggles of a Network Marketer






I've been a network marketer since college and I can say I have experience the good and the not so good with this industry. I have met friends and partners here that really did good and now living a life that is extra ordinary and I am really fortunate to have met them and learned a lot from them. This industry really gives hope and chance to those who will really work for it.

Now based on my experience, I have gathered the 20 most common struggles of a network marketer. This is not to destroy the industry but to rather put an awareness to the newbies and to the up-lines or sponsors who recruited their down-lines. May these be a guide in uplifting the image of this wonderful industry. You may or may have not experience this but it could be an eye opener for you if you are in the MLM business.

Here are the 20 most common struggles of a network marketer:

1) Doesn’t know how present the business or the product.

2) Doesn’t know how to invite and recruit people

3) Don’t know how to sell their product.

4) Felt like their just being used by their uplines.

5) Uplines left them after joining because they already got the commission

6) Clueless of what is network marketing.

7) Their up lines told them they will guide them all the way…but not.

8) Losing a lot of money because they need to treat their invites and give them fares..but they never joined

9) Their friends were upset because their uplines told them that invite all, even if they don’t want to..so they now lost most of their friends.

10) They use the technique of kidnap method where they told their prospects of something good, like job offers, interviews,coffee shops treat, but only bringing them to the presentation room, resulting to their guests being so mad or upset to them.

11) They need to go to the office more often because their uplines told them so, even without guest..so they still need to shed off money for their fare and foods.

12) They need to attend nightly meetings that ends so late until early in the morning, like 2-3am, all they are talking about are Power up words and pushing of their uplines…

13) They need to maintain a monthly fees or sales or else their points or earnings will be lost..

14) Their uplines never really teach them the exact same system that they used…because there is no system…

15) Uplines don’t treat them as partners, they treat them as workers.

16) They are being forced to attend trainings that is so expensive, all they will hear are motivational speech from uplines.. Mind-setting them to recruit, do monthly maintenance and so on.

17) They are forced to Put out more money just to reach certain rank..even if this will result to more debt to the downline and more points or profit for the uplines…

18) Their uplines get all their products, promising to return it but never really happened.

19) They got bored from their uplines because all they say are motivational words..when asked about a solution or a system, they can’t give any that are proven tested and doable that their down lines can follow.

20) Their uplines doesn’t care about their struggles…because for them its negative talking…so they just pretend that their ok and are powered up even if not…


You may or may not agree with my experience and observations around the industry but as I've said, this is only to open the eyes of those who still doesn't see the obvious flaws that can actually be corrected for the betterment of our beloved industry. Feel Free to comment your opinion about this topic.

There should be a systematic approach that everyone can follow. And after years of searching for it, I finally found that system. A system that allows me to have multiple direct referrals without even convincing them. A system that enables me to Have the results I wasn't able to have with the traditional methods thought. This system made people come to me instead of me chasing them. 

I really suggest you look at this system if you want to have the biggest results in your business. 





Thank you for having the time to read my article. I hope this gives you some information you can use to improve your business.May you have all the success you are aiming for. God bless you.











RON MICHAEL CABRIA,RN
      online entrepreneur
      financial adviser
      coach