Tuesday, April 10, 2018

Why People Often Get Scammed??



Meron ka na bang nabalitaan o kaya naman kakilala mo na Na-Scam? Yung tipong naglabas sila ng napakalaking halaga at pinaghirapan nilang ipunin tapos isang kirap lng ay nawala na parang bula? Marami na tayong nakita o narinig na mga istoryang nagkaganyan, mga taong na SCAM! Pero paano nga ba malalaman kung ang isang inoofer ay Scam? Bakit nga ba naiiscam ang isang tao at paano ito maiiwasan na mangyari sayo o sa kakilala mo?

Heto ang mga madalas na dahilan bakit naiiscam ang isang tao.

1) Gusto kasi nila EASY MONEY.

Kapag ang isang tao ay ang gusto mangyari e yung madaliang pera, sila yung mga madalas ma-scam. Inaakala kasi nila na merong easy money, na hindi dapat pinaghihirapan at walang gagawin. Kung talagang gusto mong kumita ng malaki sa negosyo, dapat alam mo na pagihihirapan mo ito at tatyagain hangang sa ito ay lumago. Hindi totoong merong easy money sa negosyo.

2) Ayaw nila ng NAHIHIRAPAN

Isang madaling target ng mga scammers yung mga taong ayaw ng nahihirapan pero gusto kumita ng malaking pera. Ito yung mga taong gusto lamang tumubo ng malaking halaga ang kanilang ipapasok na pera sa isang negosyo. Yung tipong uupo na lamang at maghihintay ng grasya. Kung ang gusto mo ay lumago lang ang iyong pera at wala kang gagawin, meron ka namang pwedeng paginvestan, yun ang stocks exchange, o kaya ang forex, or mga mutual funds. Pero kapag dito ka mag iinvest siguraduhin mong kilala ang institusyon o bangko na paglalagyan mo ng iyong investment. Pero ang mdalas kasi naiiscam eh yung mga gusto ng tubo, ayaw ng trabaho at ayaw rin gn tinatawag na RISK. Gusto nila play safe pero kung tutubo ang pera nila eh yung higit pa sa kanilang ipinasok na investment. Wala pong negosyong ganoon. Lahat ng negosyo ay kelangan pagtrabahuan at malking sakripisyo ang iyong ilalaan para mapalaki mo ang iyong kita.

3) Walang Financial Education /Walang alam sa Pagnenegosyo

Wala naman talagang pinanganak ng marami anng alam sa pag nenegosyo, lahat at inaaral muna at nakukuha sa experience. Pero ang mas madaling target din kasi ng mga scammers ay yung mga taong sobrang liit o walang alam talaga sa financial planning, at pag nenegosyo. Sino ba ang mga taong ito? Sila yung mga ordinaryong tao na ang tanging alam lang ay mag trabaho. Madalas rin mga OFW ang nabibiktima kasi sila yung mga sagad ang pagtatrabaho para sa pamilya at wala nang oras para maisip o pagaralan pa ang pagnenegosyo. Mas madalas pa ay yung mga may edad na, yung mga retired na sa trabaho; sila yung may mga nakukuha ng pensyon o lump sum sa ilang taong pagtatrabaho na gustong magnegosyo. Subalit napupunta lang sa wala ang ininvest na pera dahil wala nga silang alam pagdating sa pag papalago ng pera.

Para maiwasang mabiktima ng scam, Wag na wag kang maging katulad ng mga taong nabangit ko sa itaas. Una sa lahat wag mong hangarin ang EASY MONEY. Kailangan paghirapan mo ang gusto mong kitain. Kung gusto mong yumaman at umasenso, wag mong isipin na uupo ka lang at walang gagawin. At higit sa lahat, wag mong hayaang tumanda ka na walang alam sa pagpapalago ng pera. Tandaan mong hindi ka bumabata at hihina ang katawan mo. Mas mabuti pang habang bata ka pa ay simulan mo nang mag negosyo, aralin ang pagnenegosyo at patibayin ang kaalaman sa pagpapalago ng pera. 

Sana ay may napulot kang aral dito sa maiksing blog ko. Iapply mo ito at maging gabay para sa iyong pagnenegosyo at ng maiwasang mascam ng mga mandurugas na scammers. Share at i-like mo ito para mabasa rin ng mga kaibigan at mga kakilala mo para maging aware din sila. Maraming salamat.

Sa mga gustong matuto tungkol sa pagnenegosyo, meron akong ibibigay na FREE TRAINING tungkol dito. Matututunan mo ang mga basic sa pag nenegosyo lalong lalo na ang online marketing. Mas magandang maraming alam at handa kesa sa magsisi ka sa huli diba? Para masimulan mo ang FREE TRAINING, click mo lang ang button sa ibaba.




No comments:

Post a Comment