Tuesday, April 3, 2018

Why A Lot Of OFW's End Up Poor and Broke.



Napakaraming mga Pilipino ang nangingibang bansa para lamang masuportahan ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Nakikita kasi ng karamihang Pilipino na ang pag aabroad ay ang tanging solusyon sa kahirapan. Pero meron ka na bang narinig na kwento o kakilala na dating OFW pero ngayon ay mahirap parin? Kung isa kang OFW o may kamag-anak na nasa ibang bansa nagtatrabaho, Gamitin mo itong guide para hindi ka humantong gaya ng ibang OFW na naghihirap parin sa huli.

Narito ang mga pinaka madalas na dahilan bakit nananatiling mahirap parin ang ibang OFW.



  1. Palaging naka depende sa kanilang pamilya ang pag hawak o pag manage ng perang kinikita.
  2. Madalas na pag hiram ng pera.
  3. Madalas walang naiipon dahil ang mga kamag-anak sa Pilipinas ay nauubos o inuubos sa kung ano anong gastos ang perang kanilang nakukuha.
  4. Palagi na lang naka depende ang pamilya sa Pilipinas sa remittance na natatangap.
  5. Hindi maka hindi sa mga hinihingi ng kamag-anak sa Pilipinas.
  6. Nahihiyang walang naipapadalang regalo sa mga kamag-anak.
  7. Walang sariling Bank Account.
  8. Halos walang alam sa tamang paghawak ng pera or FINANCIAL LITERACY .
  9. Sobrang maluho o mabisyo. (One Time Big Time mindset)
  10. Walang kusa na mag ipon para sa hinaharap at mag palago ng pera.

         
Para maiwasan mo na matulad sa ibang OFW na nananatiling mahirap, tandaan mo ang mga payong ito:



  1. Magplano ukol sa estadong pang pinansyal kasama ang iyong pamilya at bumoo ng inyong GOALS at pag usapan ninyo kung paano ito maaabot.
  2. Iwasan na ang pag bili ng mga bagay na hindi mo naman talaga kailangan o madalas na binibili para lamang maipagmalaki sa ibang tao.
  3. Wag na wag kakalimutan na mag ipon kahit manlang 10% ng inyon kinikita kada buwan.
  4. Iwasan na manghiram ng pera hangat maari. Bayaran mo na ang iyong utang kahit paunti unti kung meron.
  5. Mag negosyo at mag invest para lumago ang iyong pera.
  6. Higit sa lahat, wag mong kakalimutan na nagkaka edad ka at hindi habang buhay bata at malakas.




Kung gusto mong matuto ng isang paraan para mapalago ang iyong pera, at kung anong pwedeng gawing negosyo ng mga OFW na hindi makakahadlang sa iyong trabaho, pag aralan mo ang FREE INTERNET MARKETING TRAINING  series na mapagkukuhanan mo ng ideya nang sa gayon mapalago mo ang perang iyong pinag hihirapan at ng maiwasang matulad sa ibang OFW na naghihirap parin matapos mag abroad ng mahabang panahon. I-click lamang ang button sa ibaba para masimulan ang free training na ito.


Sana ay nakatulong ito sayo at natuto ka upang maiwasan na maging kagaya ng maraming OFW's na sa huli ay mahirap pa rin. Hangad ko ang iyong tagumpay sa buhay.



Photo and video contents credit to the owner.

No comments:

Post a Comment